SAKLOLO, MAY MANLOLOKO: Dapat Bang Patawarin ang Cheating Partner?

Napakahirap kapag napasok ka sa isang sitwasyon na parang wala ka nang choice. Kapag niloko ka ng partner mo, pakiramdam mo ay end of the world na. Read on.

Pero hindi kailangang ganito ang pakiramdam mo. Hindi kailangang ikaw ang mas hirap mag-move on kapag niloko ka ng asawa o partner mo. Basahin mo ang mga ililista ko para makita mo kung dapat mo bang patawarin ang cheating partner mo.

1. Kaya mo bang maging bigger person sa inyong dalawa?

Kaya mo bang hindi daanin ang lahat sa pagiging emosyonal? Kaya mo bang kausapin siya ng kalmado at hindi galit? Kung tingin mo ay kaya mo ito, ako na mismo ang magsasabi sayo na hindi madali, pero kakayanin mo rin eventually lahat. Kailangan mo lang harapin ang phase na ito na hindi ka magpapakain sa sarili mong galit at sakit.

2. Nag-sorry na ba siya sayo? Nagsisisi na ba siya?

Kailangan ay maging genuine din siya sa pagsisisi niya. Huwag mo na ipagdiinan ang kasalanan niya, pero importante rin na makita sa kanya na hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Kung papatunayan niya sayo na mahal ka niya talaga at nagsisisi siya, tingin ko ay dapat bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Patawarin mo rin siya genuinely.

3. Handa ka na bang pag-usapan lahat?

Kung bibigyan mo ang relasyon ninyo ng isa pang pagkakataon, kailangan ay mapag-usapan ninyo lahat. Itanong mo sa kanya lahat ng gusto mong itanong at dapat ay sagutin niya ito nang walang pag-sisinungaling. Malaking bagay na magawa ninyo itong pag-uusap para hindi na lumala ang sitwasyon ninyo.

4. Kaya mo na ba siyang patawarin?

Kung nakikita mo ang sarili mo na puno pa rin ng pait at galit, huwag mo muna siyang tanggapin ulit sa buhay mo. Kailangan mo munang mag-move on dahil kapag pinilit mong magkabalikan kayo para lang sa panandaliang saya, mas mahihirapan ka sa huli. Mag-aaway at mag-aaway lang ulit kayo at iuungkat mo lahat ng sakit na nararamdaman mo.

5. Maaayos pa ba ang relasyon ninyo?

Mahalagang itanong mo sa sarili mo kung maaayos pa ba ang relasyon ninyo o kung kaya pa bang ibalik ang dati ninyong pagsasama. Kung nakikita mong may pag-asa pa, mas lalo ka dapat maging matapang na ipaglaban ang relasyon ninyo. Hindi biro ang pagtataksil at dapat ay iparamdam mo sa kanya na tutulungan mo rin siyang magbago.

Here’s a Bible verse about forgiveness, I’m just going to leave it here for you to ponder on:

2 Corinthians 2:5-8

“Now if anyone has caused pain, he has caused it not to me, but in some measure—not to put it too severely—to all of you. For such a one, this punishment by the majority is enough, so you should rather turn to forgive and comfort him, or he may be overwhelmed by excessive sorrow. So I beg you to reaffirm your love for him.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here