PAANO PALAKASIN ANG TIWALA SA SARILI

Ang pagtitiwala sa sarili ay isang mahalagang bahagi ng sangkatauhan. Ang isang taong may tiwala sa sarili ay karaniwang nagugustuhan nila ang kanilang sarili, handa silang malagay sa panganib makuha lang ang kanilang goal, at positibo ang kanilang pagiisip. Ang isang taong wala o kaunti ang tiwala sa sarili ay kadalasang iniisip na hindi nila mararating ang kanilang pangarap o goal at kadalasang negatibo ang pagiisip. Ngunit wag kang magalala! Dahil ang tiwala sa sarili ay isang bagay na maari mong maayos at madevelop. Magsisimula ito sa iyong pagtingin sa mga bagay bagay at narito kami upang gabayan at tulungan ka upang tumaas ang tiwala mo sa itong sarili.

1. IWASAN MO ANG PAGIISIP NG MGA GANITO “di ko ito kaya” “siguradong matatalo lang ako” ” baka mali lang sasabihin ko wag nalang”, ang mga salitang iyan ay gawin mong motibasyon at isipin mo na ang mga salitang ito ay kabaliktaran ang ibig sabihin.

Ang mga salitang ito ang pabigat sa iyo upang tumaas ang tiwala mo sa iyong sarili.

2. GAWIN MONG MABUTI ANG MGA HINDI MAGANDANG INIISIP MO habang iniisip at mas binibigyang pansin mo ang iyong mga hindi magandang ideya. Baguhin mo ito sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga salitang ito ng mga salitang “susubukan ko”, ” malay mo”, “papakinggan nila ako” at “kakayanin ko to” magiging malaki ang epekto nito sa iyo at makakatulong ng malaki upang tumaas ang iyong tiwala sa sarili. Maaring simulan mo ito sa paisa isa ng paggawa kada isang araw at makikita mo nalamang na pataas na ito ng pataas.

3. MAS PILIIN MONG MAGING POSITIBO. Mas piliin mong maging positibo sa iyong pagiisip imbes na panget ang iyong iniisip ay baliktarin mo ito at ilang araw lamang ay magiging kaugalian mo na ito at gagawin mo na ito ng palagian. Magandang practice ito upang masanay kang maging positibo at maapektuhan nito ang iyong pagiisip at lalabas ito sa iyong pagkatao ng hindi mo man lang namamalayan.

4. PALIGIRAN MO ANG IYONG SARILI NG MGA TAONG SUSUPORTAHAN KA. panatilihin mo ang iyong sarili kasama ang mga taong palaging nakasuporta saiyo kagay ng iyong kaibigan, o kaya naman ay pamilya. At iwasan mo ang mga taong nagpaparamdam sa iyo na hindi ka karapatdapat at nagpapababa ng iyong tiwala sa sarili.

– ang taong tinatawag mong kaibigan ay maaring hindi pala talaga, lalo na kung sinasabihan ka niya ng mga hindi magagandang bagay kahit pa sa paraan ito ng pagbibiro.

– kahit ang mga kapamilya mo na nagdidikta ng mga dapat at hindi mo dapat ginawa ay dumadagdag rin sa bigat na iyong nararamdaman at humihila sa iyo upang hindi tumaas ang iyong lakas ng loob.

-ang iyong sarili ang taong pinaka dapat mong asahan at pagkatiwalaan kaya naman habang pinapaangat mo ang iyong confidence o tiwala sa sarili ay iwasan mo ang mga taong gaya nito.

– maglaan ka ng oras upang isipin kung sino ang mga taong nagpaparamdam sa iyo na karapat dapat ka at mahalaga ka na kaya mo ring gawin ang mga bagay bagay na ginagawa ng iba. Samahan mo ang mga taong ito at paligiran ang iyong sarili sa mga ganitong tipo ng tao.

5. ALISIN ANG MGA BAGAY NA NAGDUDULOT UPANG MAGISIP KA NG MGA NEGATIBONG BAGAY iwasan mo ang paggawa ng mga bagay na magpapababa ulit ng iyong confidence. Maaring ito ay alaala ng nakaraan o kaya naman ay isang bagay na pilit nagpapaalala sa iyo ng iyong sarili noong mababa pa ang tiwala mo sa iyong sarili. Kung hindi mo talaga ito maiiwasan ay harapin mo ito at gawing inspirasyon na kung dati ay naging ganon ang mga pangyayari ay heto ka na ngayon mas maganda at mas mataas ang tiwalang bersyon ng iyong sarili. Hindi ito agaran kaya naman ay aabot pa ang ilang mga linggo bago tuluyang umangat ang tiwala mo sa iyong sarili.

– umupo ka at isipin ang mga bagay na nagdulot sa iyo upang bumaba ang iyong confidence at gawin mo ang mga bagay na makakapagpalimot sa iyo rito, o kaya naman ay harapin ito alisin mo ang mga bagay na ito sa iyong sarili.

Sana ay may natutunan kayo sa artikulong ito wag nyong kalimutang magkomento kung may nakalimutan kaming ilagay o kaya naman ay may katanungan kayo dahil sasagutin namin itong kaagad. Maraming salamat sa inyong pagbabasa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here