Paano nga ba maging mabuting boyfriend?

Ang pagiging mabuting boyfriend ay hindi ganon kadali, kahit na ikaw ay meron mabuting partner. Ang mabuting boyfriend ay alam kung kelan magsa-salita, kung kelan makikinig, kung kelan mag-bibigay ng advice, at kung kelan mag o-offer ng empathy, kung kailan siya lalambingin, at kung kelan siya bibigyan ng space. Kailangan mong maging isang taong mapagkakatiwalaan at maging kahanga-hanga, at isang taong magpaparamdam sa kanila na kailangan nilang mas mabuting tao o partner. Ang mabuting boyfriend ay marunong magadapt sa kahit anong sitwasyon at kayang tumapos ng kaniyang nasimulan.

1. Maging totoo. Sa kahit anong relasyon, honesty is the best policy. Kung ikaw ay totoo sa kanya mula sa umpisa ng inyong relasyon, ay mas kakaunti ang posibilidad na magkaproblema kayong dalawa.

               ~ Kailangan mong sabihin sa kaniya ang kailangan niyang malaman nang maayos niyang matatanggap ang katotohanan. Halmibawa, kaung ang huling relasyon mo ay seryoso, maari mo itong ipaalam sa kanya ng hindi  nagsasabe ng madami tungkol sa iyong ex.

               ~Samahan mo ang iyong pagiging tapat ng kabaitan. Hindi mo kailangan pagmukaing papuri ang bawat salitang ibabato mo sakaniya. Kundi, magbigay ka ng salitang maayos ngunit totoo. Halimbawa, kung tinanong ka niya tungkol sa sinusubukan niyang damit, maari mong sabihin na gusto mo ito at maganda naman ito ngunit mas gusto mo yung isang damit dahil mas  naipapakita nito ang kaniyang ganda.

–  Hindi ka dapat maging komportable na ikaw lang ang nagiging tapat dapat ay tanggapin mo rin kung magiging totoo rin siya sa iyo. Kung gusto mong maging mabuting boyfriend dapat ay handa kang tanggapin ang katotohanan

2. Mag-tiwala sa kanya. Magtiwala ka sa iyong partner at bigyan mo siya ng rason upang pag-katiwalan ka rin niya. Ito ay makakatulong upang magkaroon kayo ng open relationship sa isa’t isa, pati na rin makapag intindihan kung ano man ang gusto ng partner mo, kung ano man ang nararamdaman, at kung ano man ang kailangan niya.

               ~ Maipapakita mo sa kanya na pinagkakatiwalaan mo siya sa pamamagitan ng pag-sabe sa kanya ng isang bagay tungkol sayo na karamihan ng tao ay hindi alam.

               ~ Maaari mong ma secure ang trust niya sayo sa pagpapakita mo na ikaw ay may pake at hindi mo ipagsasabe kung meron man siyang sasabihin na personal at importante tungkol sa kaniya.

3.) MAGAMBAG KA SA INYONG USAPAN. kapag ikaw ay nagsasalita, humanap ka ng paraan upang maging balanse ang inyong paguusap. Kung ikaw ay masyadong tahimik, aakalin niya na wala kang interest sa kaniya. Kung ikaw naman ay sobrang daldal, iisipin niya naman na ikaw ay mayabang.

               ~ Ang pag-uusap ay tungkol sa pagbibigay at pag kukuha ng impormasyon. Hindi yon mag ta tagumpay kung isa lang ang pinapanigan.

               ~Syempre, may mga oras na marami kang gustong sabihin( lalo na kung may magandang nangyari) o kaya naman ay mayroong di kagandahang kaganapan. Ayos lang ito basta ay hayaan mo paring makasali siya at makapagsabi ng kaniyang opinyon

4. Maging mabuting tagapakinig. Kaysa isipin kung ano ang sunod mong gustong sabihin, mag focus ka na lamang sa kanyang sinasabe. Ipakita mo sa kanya na interesado ka sa kanyang pinagsasabe.

               ~ Tandaan, ang pakikipag-usap mo sa iyong partner ay hindi lang pagkilala, ito rin ay pag-alala. Kung ang partner mo mo ay may importanteng experience na sinabi sayo, wag mo itong kakalimutan.

– Kung maysinabi siya sa iyo at hindi mo na ito maalala dahil hindi ka naman talaga nakikinig noong nagsasabi at naglukwento siya ay malalaman nya ito.

– Maging mapagmatyag ka at subukang basahin ang kaniyang ikinikilos maaring iniinis siya at hindi komportable. Tignan mo ang kaniyang galaw at ekspresyon ng muka.

Mayroon pa ba kayong alam na paraan upang maging mabuting boyfriend? Ikoment nyo lamang ito upang makatulong ka naman sa iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here