Mga paraan upang maalis ang mabahong paa

Kung ikaw o isa sa iyong pamilya ang mayroong mabahong paa siguradong lahat kayo sa inyong bahay ang naapektohan. Kaya naman narito kame para tulungan ka at ibahagi ang mga kaalaman namin na makakatulong upang maiwasan o tuluyan ng maalis ang baho ng iyong paa at siguradong gagana ito sa iyo o sa iyong pamilya o kaibigan.

Narito ang ilang mga bagay na maari mong gawin upang maalis ang mabahong paa na dulot ng mga mikrobyong naninirahan dito:

1. PANATILIHIN MO ITONG MALINIS. Kuskusin ang iyong paa araw-araw.Gumamit ka ng pagkuskos, maaring tuwalya at tubig saka sabon. Siguraduhin mong malilinis at makukuskos mo pati ang pagitan ng iyong mga daliri at pagkatapos ay tuyuin mo ito ng maigi bago mag suot ng medyas at sapatos.Kung nalalabhan ang iyong sapatos ay labahan mo ito upang matnggal ang mga duming naipon o mga amoy na lumipat na sa iyong sapatos mula sa iyong paa.

2. IBABAD MO ANG IYONG PAA. Kung hindi makuha ng pagkukuskos ang iyong paa ay ibabad mo ito kahit isang beses sa isang linggo ng 20 minuto. Ayon sa mga eksperto maaring ibabad ang paa sa pinaghalong tubig at suka upang maalis ang amoy nito o kaya naman ay tubig at epsom salt. Pagkatapos ay banlawan ang paa at tuyuin mo itong mabuti.

3.) PANATILIHING TUYO ANG IYONG PAA ginagawang tirahan ng mga bacteria ang iyong paa at sapatos kaya naman dapat ay panatilihin mo itong tuyo dahil kung tuyo ito, hindi makakapamuhay ang bacteria dito at mas magiging maayos ang amoy nito.

Subukan mo ang mga payong ito:

– Magpalit ka ng medyas kung sa tingin mo ay basa na ito ng puno na ng pawis.

– Magsuot ka ng medyas at sapatos hindi hindi sobrang kulob upang makahinga at mahanginan parin ang iyong paa. Maginvest ka at bumili ng mga magandang medyas. Iwasan mo ang mga sapatos na syntetic ang materyales.

– Gumamit ka ng pulbos o cornstarch sa iyong sapatos. Maari ring mga deodorant para sa paa. Dahil makakatulong ito upang kuhanin at sipsipin ang mga moisture na makakaiwas sa pamumuhay ng mga bacteria rito na nagdudulot ng hindi magandang amoy.

4. HAYAAN MO ITONG MAHANGINAN ito ay para sa iyong sapatos at iyong paa. Maglaan ka ng oras na wala kang suot na kahit ano sa iyong paa upang makahinga ito. Ibat ibang sapatos ang iyong isuot upang magkaroon ang mga ito ng oras upang matuyo at alisin ang mga moisture na naipon dito habang suot mo ito.

5.) GUMAMIT KA NG DISINFECTANT magspray ka ng disinfectant kahit iyong disinfectant lamang na gamit mo sa inyong bahay sa iyong sapatos at hayaan mo itong matuyo. Maari mo rin itong itapat sa araw upang mas mabilis itong matuyo at mainitan ito at mamatay ang mga bacteria sa iyong sapatos.

6.) SUBUKAN MONG GUMAMIT NG MGA ESSENTIAL OILS ayon sa isang pagaaral nakatutulong ang mga essential oils sa pagaalis ng mga bacteriang sanhi ng pagkakaroon ng hindi magandang amoy sa iyong paa. Maari karing gumamit ng mga essential oil na pumapatay ng bacteria.

Sana ay maynatutunan kayo sa article na ito. May alam pa ba kayong mga paraan upang maalis ang hindi magandang amoy ng paa, ikoment mo naman ito upang malaman at magamit rin ng iba. Kung may katanungan kayo ay wag nyong kalimutang magkoment at sasagutin namin iyan. Salamat sa inyong panonood.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here