ANG FILIPINA HOROSCOPE, Abril 3, 2020

(ARIES) THE DREAMER

(Marso 21- Abril 19) Tigilan ang pagiging drama queen,magiging dahilan lamang ito ng problema. Sa kabuan nais mong makita ang iyong sarili sa pagiging positibong pananaw,upang maprotekthan at pangangalagaan ang iyong sarili. Kung aalagaan mo ang iba ay aalagaan ka rin nila. Ngunit ikaw may oras na magiging magalitin at maaaring humantong sa deprisyon,kaya mag-ingat sa pagiging pabago-bago ng iyong mood. Ipaalala sa sarli kung gaano ka kagaling magdali ng mga sitawsyon gaano man ito kahirap.

Ang pag-iisip ng subrang minsa ay magiging dahilan upang mas mapalala ang problema.

(TAURUS) THE ARTIST

(Abril 20- Mayo 20) Protiktahan mo ang iyong nararamdam imbis na itago mo ito gaya ng isang pagong na itago lamang ang sarili sa kanyang bahay. Itulak palayo ang mga taong kinaaasiwaan,yung mga taong pinag-uusapan ka ng talikuran at mga mapanlinlang. Wag maging masyadong sweet at sentimental. Medyo magiging madungis ka ngayon,pero ano ba paki nila?

Just be your self, show them the real you. πŸ˜‰

(GEMINI) THE DIPLOMAT

(Mayo 21- Hunyo 21) Huwag kumuha ng maraming responsibilidad dahil magre-resulta ito sa pagkalito at pagkabahala, na hindi makakatulong sa iyo. Kung kaya mo, maaari kang humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo. Lumayo sa mga taong mapagreklamo at makipag-sundo sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan at nandyan sa tabi mo noon pa man. May parte ng buhay na mararamdaman mona hirap kana at wala ng pag asa ngunit sa huli ay matututunan mo kung paano lagpasan ang mga ito, gusto mo lang ng payapang pamumuhay  at walang drama maliban sa panonood ng teleserye.

Minsan sa buhay dimo maiwasang maisip na suko kana. Ngunit dahil sa mga taong nagbibigay sayo ng inspirasyon ay natutu tayong lumaban anumang hirap ang kinakaharap.

(CANCER) THE EMPATH

(Hunyo 22- Hulyo 23) Kung gagasto ka ng pera ngayon,ito ay hindi magandang ideya. Mapapagastos ka ng lubos bago ka makontento. Mahaharap ka sa mga problema sa loob ng pamamahay at kailangan mong kausapin ang mga mahal sa buhay. Harapin ito ng may tiwala na ito ay malalampsan at ito nga ay mangyayari.  Tapusin ang problemang ito at tumawag ng leave sa trabaho.

Anumang problema ay madadaan sa magandang usapin upang mabilis na maisaayos ang lahat.

(LEO) THE BOSS

(Hulyo 24- Agosto 22) Ngayon ay nais mong makaramdam ng higit na pagmamahal,pag-aalaga at proteksyon. At dahil nais mong ang mas higit na atensyon,kailngan mong makipagpaligsahan upang ito ay iyong makuha. Ang subrang pagkain ngayon ay magagawa dahil gusto mong icomfort ang iyong sarili. Siguro ay masyado kalang maging sentimental at subrang maglalambing. Subukang unawain ang tunay mong nararamdam at maging totoo dito.

Minsan di natin namamalayan ang nagiging demanding tayo sa sa pakiramdam na natin naiintindihan.

(VIRGO)  THE GIVER

(Agosto 23 – Setyembre 22) Susubukan mong panatilihin ang iyong mga kasama sa iyong tabi, dahil isa kang taong napaka private at ayaw mo iyongpinapaikot ka. Ngunit may isang tao ang lalapit sa iyo upang mag sabi ng kanilang problema ngunit mararamdaman nilang parang wala ka naming pakealam. Bigyang atensyon mo ang mga taong nasa paligid mo at bigyan mo sila ng pake at iparamdam na mahal mo sila. Protektahan mo ang iyong sarili na mapilit sa mga bagay na hindi mo naman gusto.

Kung ayaw mo edi tanggihan mo, wag mon a silang paasahin dahil masasaktan mol ang sila at ang iyong sarili.

(LIBRA) THE LEADER

(Setyembre 23 – Oktubre 23)  Ngayon o sa susunod na mga araw ay para bang may kakaiba saiyo. Magiiba ka pati ang mga pauugali mo kaya naman Malaki ang tyansa na isipin ng pamilya mo ay may hindi ka magandang ginagawa. Ilanga raw lang ay magkakaroon ka ng plano. Subukan mong Wag mabahala kung ang iyong kaibigan ay mas bi nibigyang pansin ang iba kaysa saiyo, lilipas din ito kaagad. Makikita mo nalamang ang iyong sariling nakaupo sa isang tabi habang inaalala ang mga memorya.

Mayroon talagang parte sa ating buhay na parang magiging kakaiba tayo , hayaan mo sila sa ka nilang iisipin. πŸ˜‰

(SCORPIO)  THE MOTIVATOR

(Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ang pagtatrabaho ng mabuti ay isang paraan upang makakuha ng atensyon, magiging praktikal ka, at seryoso. Kung maari kang pumunta sa opisina, ay maging mapagmatyag ka sa iyong aasalin. Magsisilbi kang leader. Kahit anong mangyari ay iwasan mong makompronta ng kahit sino.

Maging maingat ka.

(SAGITTARIUS)  THE SEEKER

(Nobyembre 22 – Disyembre 21)   Maaring maramdaman mong tila nadedepress ka dahil puro trabaho na lamang ang iyong inaatupag at gusto mo ring magsaya. Ngunit wag ka ng malungkot dahil lilipas din ito. Subukan mong wag maapektohan agad at magalit sa mga mangyayari saiyo. Mayroon kang magiging bagong kaibigan. Maghanap ka ng mga bagay na magpapasaya saiyo mga lugar, mga kaibigan, at kung ano ano pa.

Kapit ka kay google. 😊

(CAPRICORN) THE BRAIN

(Disyembre 22 – Enero 19) Pilitin mo ang iyong sarili na sumali sa mga bagong pagkakasunduan sa iyong kapareha o kaya naman ay trabaho. Magsikap ka at mayroong nagaantay sa iyong di mo aasahan. Mas maging masekreto ka at huwag basta basta magbibigay ng impormasyon kahit pa sa kaibigan at huwag ipapaalam sa iyong pamilya na nagagalit o naiinis ka sa isang bagay.

Sarilihin mo muna.

(AQUARIUS) THE SPIRIT

(Enero 20- Pebrero 18) Kahit sa bahay o sa trabaho,kailangan mo ng suporta mula sa mga taong nariyan para sayo. Umiwas sa mga taong mareklamo at makipag-usap sa mga taong iyong pinagkakatiwaan kahit noon pa na laging lang nariyan para sayo. Sa isang punto ay mahihila ka sa panlilinlang na sitwasyon ang dahilan ng iyong frustration. Ngunit sa pangkalahatan ay masigag at mamemaintain ang ang katiwasayan. Ang gusto mo lamang ay tahimik na buhay walang drama maliban sa mga teleserye.

Ang magandang paraan upang maiwasan ang mga taong mapansamantala ay ang pag-iwas sa taong ganito.

(PISCES) THE TRAVELLER

(Pebrero 19- Marso 20) Matutong bawasan ang pagiging mabigayin kapag ito ay sobra na. tandaan na kaya mong limitahan ang pagbibigay at magsabi ng β€œtama na”. Pagkalaan ng oras ay makikita mo na mas maayos ang iyong emotional life at naaayon sa iyo ang lahat at magbibigay ng oras para sa iyong minor let down. Protektahan mo ang iyong sarili sa pag-iisip na hindi perpekto ang buhay, ang iyong asawa ang pinaka halimbawa nito.

 Hindi masama ang magbigay ngunit piliin ang binibigyan minsan binigyan muna ikaw ang magiging masama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here