Paano mapaibig sa iyo ang kahit sinong babae

Ang pagpapahulog sa babae ay kinakailangan ng mahabang oras, pasensya at enerhiya. Kung tatratuhin mo ang isang babae ng maayos at makita niya na mabait at maayos ka naman talagang lalaki ay mapapaibig rin siya saiyo. Dapat ay mayroon na kayong something o napapasin ka na niya at napapansin mo na siya dahil kung wala ay mas mahihirapan kang paibigin siya sa iyo. Basta ay gawin mo lamang ang mga bagay na ito at siguradong mapapansin ka niya at mapapaibig siya sa iyo.

1.) WAG MO ITONG MADALIIN. Bago mo ligawan o mapaibig ang isang babae saiyo, lagi mong iisipin na hinding hindi mo dapat siya madaliin. Kung mamadaliin mo ang isang babae ay baka isipin niyang desperado ka at mawalan na ng interes sa iyo. Kahit gustong gusto mo pa siya, dapat ay wag kang magmadali at kilalanin mo siya ng mabuti. Maging kaibigan ka muna niya bago mo siyang gawing girlfriend.

– Huwag mong sasabihing mahal mo siya kung nakakailang labas pa lang kayo.

2.) GUMAWA KA NG DAHILAN UPANG KAUSAPIN SIYA. Upang mapansin ka ng isang babae, kailangan ay makausap mo siya. Hindi naman kailangan ng malalim na usap basta ay makapagusap lang kayo upang mas maging komportable kayo sa isat isa. Kapag nagawa mo na ito ay kausapin mo siyang muli o gumawa muli ng dahilan upang makausap siya.

  • kahit yung simpling “hi” o kaya naman ” uy ano nga yung assignment naten” o kaya naman “pano nga to gawin” ay malaking tulong na upang mapansin ka niya.

3. MAGING MAGALANG KA dapat ay maging magalang ka wag mong kalimutang magsabi ng po at opo sa matatanda at gumamit ng mga salitang “paki” at “please”.

4. BIGYAN MO SIYA NG PAPURI ang mga puring galing sa puso ay isa pang paraan upang makuha ang puso ng isang babae. Siguraduhin mo lamang nà ang iyong mga papuri sa kaniya ay maayos at ikakasaya niya. Purihin mo ang kaniyang ganda pero wag ka doon lamang magfocus at purihin mo rin ang kaniyang angking talino o ka naman ay paguugali.

-halimbawa, maari mong sabihing, ” ang ganda ng mata mo” ” ang galing mong mag drawing” ” ang ganda ng sulat mo” mga bagay na makakapagparamdam sa kaniya na espesyal siya at may angking kagalingan.

5.) HARUTIN MO SIYA O LANDIIN NG KAUNTI. Isa ito sa paraan upang makita ng isang babae na interesado ka sakaniya na higit pa sa pagkakaibigan ang nais mo sa kaniya. Kung bago ka palang sa paglalandi ay maari kang humingi ng payo sa iyong mga kaibigan o ka naman ay maghanap sa internet. Minsan pa nga ay makikita mo nalamang ang iyong sarili na nakangiti at nakatitig sa babaeng ito at ito ay isa ng matatawag na panlalandi.

-ngitian mo siya at tingnan sa mata ng may pagibig, kung umiwas siya ng tingin sa iyo ay wag kang magaalala dahil maaring siya ay kinakabahan na isang magandang senyales.

6.) SIGURADUHIN MONG MAAYOS ANG IYONG ITSURA AT MABANGO KA hindi lamang itsura ang tinitignan ng babae, at hindi lahat ng babae ay tumitingin sa panlabas na itsura kaya naman ay siguraduhin mong muka kang malinis palagi at mabango ka. Maligo ka palagi at laging magpalit ng damit , mag deodorant ka, at magpabango , ang pagpapakita sa kaniya na meron kang style at malinis kang tao ay isa sa mga bagay na makakapagatttact sa kaniya.

Ang pinakamahalaga ay ipakita mo sa kaniya ang tunay mong nararamdaman at maganda ang intensyon mo sa kaniya doon mo makukuha ang kaniyang puso. Mayroon ka pa bang alam na paraan upang mapaibig ang isang babae? Wag mo itong kalimutang ikomento para naman malaman din ng iba. Kung may katanungan ka naman ay wag mong kalimutang mag reply at magkomento at sasagutin namen yan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here