Paano Magkaroon Ng Instant Kapareha?

Hindi lahat ng tao ay natatagpuan ang kanilang forever. Nasa bilyon pa rin ang bilang ng mga single sa mundo. Ang iba ay nakukuntento na lang sa kanilang pag-iisa pero marami pa rin ang umaasa. Sa kabila ng kaliwa’t kanang problema ng mundo ay nananatili ang pag-asa nila na isang araw ay matatagpuan nila ang tao na kanilang makakapareha at makakasama sa kanilang pagtanda. May mga nakakaramdam rin ng depresyon kapag sa tingin nila ay wala na talagang pag-asa kaya kung minsan ay itinataya na nila ang kanilang huling baraha at ito ay ang pagtitiwala sa gayuma. Para magkaroon ka ng instant kapareha, may pamamaraan ang panggagayuma na swak sa’yo. Isang mabilisang gayuma na agad magiging epektibo kung buo ang magiging paniniwala mo rito. Kailangan mo lang siguruhin na wala ni katiting kang pagdududa at pag-aalinlangan bago mo ito gawin.

Ang paraang ito ay hindi ganoon kadaling gawin subalit magagawa mo kung talagang nais mo ng instant kapareha. Hindi mo kailangan na kumuha ng kanyang gamit o magsulat ng kanyang pangalan. Ang kailangan mo lang ay tatlong oras na katahimikan. Maghanap ng lugar na balot ng katahimikan. Yung walang maaaring gumambala sa’yo. Kung meron kang kuwarto, mas mainam. Lagyan mo lang ng sign na ‘don’t disturb’ ang iyong silid upang masiguro na wala talagang makakaabala sa’yo. Kapag ayos na ang iyong lugar at tahimik na ang buong paligid ay maaari ka ng maupo sa isang sulok, hindi importante kung saang bahagi ka ng silid mauupo, sa gitna, sa kama, sa isang sulok o kahit saan. Ang importante ay makakaupo ka ng maayos at komportable. Kung ready ka na ay ipikit mo na ang iyong mga mata at damhin ang katahimikan. Dapat alam mo kung anong oras ka magsisimula at meron kang alarm na magpapaalala sa’yo na oras na para ikaw ay dumilat at tapusin ang gawain. Kapag nadama mo na ang katahimikan ay simulan mo nang banggitin sa iyong isip lamang ang pangalan ng tao na nais mong maging kapareha. Paulit ulit sa loob ng tatlong oras na walang paggambala. Sa oras na marinig mo na ang alarm bilang hudyat na natapos mo na ang tatlong oras ay maaari ka nang dumilat at hintayin ang iyong instant kapareha. Mapapansin mo agad ang kakaiba at espesyal na pagtrato niya sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here