Paraan para sa Epektibong Bakasyon

Sobrang nakalulungkot na kahit na wala tayong pasok sa eskwelahan o opisina ay hindi tayo makapag-enjoy ng todo. Nananatili lang kasi tayo sa loob ng bahay kaya parang hindi tayo makapagsaya kahit sa piling ng ating pamilya.

Well, diyan ka nagkakamali, hindi naman kasi porke nasa loob lang tayo ng bahay ay wala ng magandang mangyayari sa ating buhay. Siyempre mayroon naman talaga. Iyon nga lang, hindi mo iyon mapagtatanto kung walang maga-realize sa’yo. Sa artikulong ito ko naman ay sasabihin ko sa’yo ang mga maaari mong gawin sa loob ng bahay kapiling ang iyong pamilya.

Una, mag-general cleaning. Kung nais natin na malabanan talaga ang Covid-19 o corona virus, kailangan nating maging malinis sa ating kapaligiran. BIlang pamilya, hindi lang ang ina ang dapat na gagawa. Sa pagkakataon na ito, dapat lamang na magtulungan ang mga magulang at mga anak.

Pangalawa, mag-bonding sa panonood ng tv, pagkain at pagkukuwentuhan. Kahit naman magkakadugo ang nasa loob ng isang tahanan, hindi nangangahulugan na kilala na talaga nila ang isa’t isa, kaya, masasabi kong ito na ang pagkakataon nila para malaman nila kung ano ba ang kani-kanilang ugali.

Pangatlo, kumita ng sama-sama. Dahil sa nakakulong ka lang naman sa bahay mo at walang income na pumasok dahil pansamantala kayong pinatigil sa pagtatrabaho, ngunit dahil sa Internet ay maari ka ring makapagtrabaho sa mga Outsourcing sites. Kaya, kung magiging matiyaga ka lang, masasabi kong hindi ka naman tuluyang maghihirap. Sa katunayan, ito na ang pagkakataon para maiakita mo ang iyong talento.

O, sana naman ay nakatulong ako sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here