PAANO MAGING MAGANDA?

Ang pagiging maganda ay goal ng maraming tao. Ito ay nakakatulong ng malaki upang mapataas ang kumpiyansa sa sarili at pagpapahalaga sa sarili. Lahat tayo ay maganda, importante rin na tandaan natin na hindi lang nakikita ang kagandahan sa ating panlabas na anyo. Kung paano mo tratuhin ang iba ay malaking apekto sa kung paano ka nila makikita. Matuto kang tratuhin ang ibang tao kung papaano nila gustong matrato habbang iniimprove mo ang iyong itsura ang ang kumpiyansa sa sarili, sa ganoong paraan ang mga tao ay iisipin na ikaw ay isang maganda!

1. MAGKAROON NG MAAYOS NA ORAS NG PAG-TULOG. Ang pagpahinga nang maayos ay maaaring mapaganda ang iyong hitsura. Karamihan sa matatanda ay kailangan 8 oras ang tulog, pero kung ikaw ay teenager ay kailangan mo ng 10 oras na tulog.

2. UMINOM NG HINDI BABABA SA 8 BASO NG TUBIG. Ang pananatiling hydrated ay magpapaganda ng iyong balat, ng iyong buhok at kuko pati narin ang papanatiling malusog sa iyong katawan. Kung madalas ka naman na umiinom ng soda, kape, o juice, subukan mong palitan sila ng tubig hanggang sa nakakainom kana ng 8 basong tubig araw-araw.

               ~alak, caffeine, sigarilyo, at droga, ay nakakasama para sa iyong itsura at kalusugan.

3. PAG LIGO ARAW-ARAW. Siguraduhin na ikaw ay araw-araw naliligo at nililinis ang sarili. Kung gaano mo kadalas hinuhugasan ang iyong buhok ay dun nakadipende kung anong uri ng buhok meron ka, ngunit siguraduhin din na palagi mong nililinis ang iyong katawan araw-araw

4. GUMAMIT NG MOISTURIZER SA IYONG BALAT. Kinakailangan mong gumamit ng moisturizer sa iyong mukha at sa iyong katawan araw-araw, kahit ikaw ay may oily na mukha, ang moisturizer ay nakakatulong upang mapigil ang iyong balat na mag produce ng oil. Puwede ka naman gumamit ng kahit anong brand, ngunit tinignan mo muna ang label ng moisturizer na gagamit mo upang malaman mo kung ayon ba ang best para sa balat mo.

5. PANATILIHING MALINIS ANG KUKO AT LAGING GINUGUPITAN. Hindi mo kailangan magpalit ng kulay ng kuko araw-araw, gupitin at i file ang iyong kuko upang maging pantay ang mga ito. Kung nag lalagay ka naman ng nail polish o cutix ay araw araw mo itong tingnan kung baka natatanggal na ito at tapalan ng cutix. Ang pagkakagat sa iyong kuko ang pinaka mainam na gamit upang masira ito at papangitin ang iyong kuko. Ilagay mo ang iyong kamay sa lemon at ikuskos mo ang lemon sa iyong kuko para kapag nais mo itong ngatngatin ay malalasahan mo ang lemon.

6. SIGURADUHIN NA MALINIS AT MAAYOS ANG BUHOK ARAW-ARAW. Panatilihing naka suklay at nakaayos ang buhok palagi.  Siguraduhin na hindi buhol buhol at magulo ang iyong buhok, kailangan na ito ay maayos at malinis. Kung bagsak ang iyong buhok at mamantika bago matapos ang araw,subukan mong hugasan ito arawaraw okaya naman ay kada isang araw.

Sana ay nagustuhan nyo ang article na ito kung mayroon pa kayong alam na mga bagay upang maging maganda at presentable. Kung mayroon naman kayong katanungan ay wag kayong mahiyang mag komento sa ibaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here