Paano mag papayat ng hindi nag didiet?

Oo nga at mabilis kang papayat sa pagdidiet, ngunit kadalasan ay nauuwi lang ito sa pagkain ng mas marami dahil sa ginugutom tayo nito at lagi tayong irita. Mabilis ka ngang papayat eh pagkapayat mo naman ay tataba kang ulit. Mas maganda kung ang pagpapapayat mo ay mabagal ngunit epektibo at pangmatagalan ang epekto.

Narito ang ilang mga paraan upang magpapayat ng hindi ka nagdidiet:

1.) KUMAIN KA NG ALMUSAL ARAW-ARAW. Isa ito sa mga ginagawa ng nagpapapayat dahil akala nila makakatulong ito dahil  mas kaunti ang kanilang nakain. Ngunit ang ending ay mas marami ang makakain nila sa araw na iyon. Mahalaga ang almusal at makakatulong ito upang mas kaunti ang ating makakain. Ang almusal kasi ay nagbibigay sa atin ng enerhiya. Ngunit mas piliin mong almusalin ang mga pagkain na makakatulong sa iyo o iyong mga mataas sa fiber dahil mabigat ito sa tyan at mas matagal akng magugutom palagi mong akala ay busog ka. Maari kang mag almusal ng oats, prutas, tinapay. Isa ring pagaaral ang nagpatunay na mas magagaling ang mga nagaalmusal sa eskwela man , sa trabaho o kahit saan man dahil mas nagfufunction ang kanilang utak at puno ng enerhiya ang kanilang katawan.

2.) ISARADO MO ANG INYONG KUSINA SA GABI. Magtala ka ng oras kung hanggang anong oras ka lang pwedeng kumain at pagkatapos mong kumain ay magtoothbrush ka kaagad para mawalan ka ng gumang kumain pa ng iba bukod sa iyong kinain ngunit kung hindi mo talaga mapigilan ay ngumuya ka ng bubble gum pagkatapos ay magtoothbrush kang muli. Kung gusto mo naman ng matamis pagkatapos mong kumain ay gawin mong dessert ang yogurt pagkatapos kumain at mag toothbrush pagkatapos.

3.) IWASAN ANG INUMING MATATAAS SA CALORIES. Baka naman nagpapapayat ka nga at binabawasan ang pagkain ng marami o mas pinipiling kainin ang mga masusustansyang pagkain pero yung iniinom mo naman mga soft drinks, coke at mga juice. Dapat ay imbes na inumin mo yung mga ganitong klase ng inumin magtubig ka nalang makakatulong din kase yung tubig para mapakiramdam natin ay busog tayo. Ngunit kung hindi mo naman kaya ang tubig tubig lang ay mas piliin mo yung flavored water, lemon water o kaya naman ay gumawa ka ng  sarili mong juice, orange juice, apple juice dahil kung bibili ka ay punong puno lang ng asukal at kung ano anong ingredients ang mabibili mo. Isa pa sa dapat mong iwasan ang paginom ng alak. Sobrang taas ng calories ang naroroon sa alak na talaga namang magiging dahilan ng iyong pagtaba. Kung hindi mo talaga ito maiiwasan ay bawasan mo nalamang ang paginom nito at ayos na iyong dalawang baso ng wine.

4. IWASAN MO NG KUMAIN SA LABAS iwasan mo ang pagkain sa labas lalo na ang street food at fast food dahil dyan ka talaga lolobo at baka nga iyan ang dahilan ng pagtaba mo. Mas maganda kung lutong bahay nalang ang kakainin mo dahil wala itong preservatives. Mas maganda rin kung sa bawat kain mo ay maglagay ka ng gulay kahit cucumber o kung anong gulay ang naeenjoy mo dahil makakabawas rin ito sa pagkain mo ng mga matataas sa calories na pagkain. Dagdagdagdagan mo ang portion ng gulay sa iyong pagkain kada linggi haggang sa masmadami na ang gulay na kinakain mo at maging sanay ka na rito. Hindi naman masamang kumain ng madame basta dapat ay tama at masustansya ang iyong kinakain.

5.) KONTROLIN MO ANG IYONG PALIGID in short lumayo ka sa tukso. Baka naman kaya hindi ka matigil sa pagkain ng matatabang pagkain ay dahil na tutukso ka sa iyong mga kasama . Wag kang magpaimpluwensya dapat ay ikaw ang mag stand up at makaimpluwensya sa kanila hindi naman masamang kumain ng mga ganitong klase ng pagkain basta dapat ay wag palagiin. Masarao magkaroon ng barkada o kaibigang susuportahan ka sa mga paraang kaya nila at mas magandang magpapayat ng may kasama dahil may karamay ka at hindi ka tatamarin magiging motibasyon po pa ang mga ito

Sana ay mayroon kang natutunan. Ang pinaka mahalaga sa lahat ng ito ay disiplina sa sarili. Dapat ay marunong kang tumanggi sa tukso at hindi ka lamang dapat sa una magaling. Dapat ay determinado ka at buo ang loob sa paggawa nito dapat ay magpursigi ka. Walang mahirap mahirap. Kaya mo ito at may tiwala ako sa iyo. Basta dapat ay magtiwala ka sa iyong sarili. Maging matatag ka hindi ikaw yung taong basta basta susuko kapag nahihirapan at na tutukso na hindi ba? Maging desiplinado ka at tatagan ang iyong loob.

Meron ka pa bang tips para magpapayat ng hindi nag didiet? Wag mo itong kalimutang ikoment dahil siguradong makakatulong rin ito sa iba. Kung maykatanungan ka ay wag ka ring mahiyang mag comment sa ibaba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here