ANG FILIPINA HOROSCOPE, Abril 1, 2020

(ARIES) THE DREAMER

(Marso 21 – Abril 19 )Ngayo ang iyong oras para sa mahabang plano at tingnan ang iyong mararating paglipas ng mga taon. Ang paghahanda sa iyong pangarap ay mahalaga sapagkat ito ay matagal munang ninanais. Sa mga pamilya at kaibigan ngayon ay hindi mo maibibigay ang sapat mong atensiyon tulad ng iyong inaasahan. At ito ay maaaring maging daan sa pagka hindi pagkakaunawaan sapagkat ikaw ay magiging emosyonal.  Sa iba pa irespito ang iyong pagiging totoo dahil alam nila na ang iyong puso ay nasa tamang lugar,kahit na hindi nila nauunawaan alin man sa iyong mga sasabihin.

Ang pagiging totoo ay daan upang ikaw ay kanilang lubos na mauunawaan, diman ngayon ngunit sa tamang panahon. 

(TAURUS) THE ARTIST

(Abril 20 – Mayo 20) Kung ikaw ay nagtratrabaho ikaw ay magiging leader ngayo,at daan upang maging bossy. Ang iba ay iyong mapapahanga dahil sa iyong pagiging deritso. Ngunit ang iba naman ay kakainisin ka dahil sa iyong paraan na parang nakikipag kompitensiya. Magiging magaan din sa ang pananalapi ngayon. At ito ay ibabahagi mo sa iyong pamilya na walang trabaho.

Ang pagiging mapagkumbaba at patuloy na pagiging humble ay daan upang marating ang rokrok ng tagumpay.

(GEMINI) THE DIPLOMAT

(Mayo 21 – Hunyo 21) Makakalaya sa pakiramdam ng sakit ng ulo sa kasalukuyan,makakaramdam ng pagiging madaldal ngayon. Mas madedevelop mo ay iyong talent sa sarili mong paniniwala,mas ipaparamdam mo ay iyong kabaitan,mapag alaga,emotional at sensitibo ngunit balisa. Mag joking ka at subakan na kalmahin ang sarili.

Ang pagiging kalmado ay daan upang lahat alintuntunin ay magawa ng tama.

(CANCER) THE EMPATH

(Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang pagiging matinding paglilihim at deteminasyon ng ilang lingo ay magtutulak sayo sa pakiramdam na emosyonal pagdating sa mga financial na pangangailangan gaya ng pera. Nais mong magkontrol ngunit mapipilitan kang ibahagi ito sa iba. Sa personal mong buhay kailangan mong maging incharge sa iyong sarili. At magiging daan para sa isang disagreement. Subali gagawin ang lahat upang hindi ito mapagsisimulan ng komprontasyon.

Minsan kailangan mo manahimik na lamang para sa ikakasaya ng lahat at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

(LEO) THE BOSS

(Hulyo 23 – Agosto 22) Magiging mainisin ka ngayon sa lahat ng mga bagay bagay. Subukan ang hindi sumabog,isipin na baka ang ilan sa iyong paligid ay makakaramdam din ng kagaya ng iyong nararamdaman. Gaya ng nasabi ikaw ay may malakas na pang amoy upang maging patas at makatwiran upang ipaglaban ang alam mong mahihina o naaagrabyado. Ngayon ay imporntante din sayo ang makikipag connect sa iyong mga kaibigan para sa mga emotional at affectionate na suporta para sa mga dadating mong plano.

Minsan di masama ang ipaglaban ang katwiran lalo na at alam mo na ito ay tama.

(VIRGO) THE GIVER

(Agosto 23 – Setyembre 21) Makakaramdam ka na ang lahat ay walang pakinabang dahil wala kahit ano mang nagagawa, kaya maghanda sa isang argumento. May pagkakataon na mararamdaman mong parang baliwala lahat ng iyong sipag at sakrisyo na dapat nilang bigyan halaga at papuri.  Ngunit ang mga ito ay iyong malalampasan at ang lahat ay magiging okay.

Ang pagiging matiya at matiisin sa bandang huli karangyaan ay kakamtin.

(LIBRA) THE LEADER

(Setyembre 22 – Octobre 23) Ang curfew ay bumabagabag sa iyo at hindi ka makakapagtimpi kung isa sa iyong mga mahal ay hindi mananahimik tulad ng iyong hiling. Muli mo sila paalalahanin sa mahinahon at magandang pananalita. Mapanatilihin ang pagiging mahinahon at subukang wag sumabog ang iyong galit.

Lahat ng bagay ay nakukuha sa magandang usapan na hindi na kailangan pang umabot sa bangayan.

(SCORPIO)  THE MOTIVATOR

(Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang init ay nakakaapekto sa iyong mood, kaya naman asahan mo ng maiirita ka sa inyong bahay. Kung ang mga bagay ay hindi umaayon sa iyong plano, tandaan mong pakakatulong ang pasensya dito. Wag kang magpalunod sa problema, harapin mo ito ng buong loob hanggang sa mawala ito o malampasan mo. Uminom ka ng alak.

Party-party at magsaya ka den. ENJOY LIFE SIS!!

(SAGITTARIUS)  THE SEEKER

(Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Tingnan mo kung paano mo mailalagay ang iyong enerhiya sa mga seryosong bagay. Dadami ang mga magiging gawain mo, kaya ay paganahin mo ang iyong konsentrasyon at alisin ang mga nakakagulo o istorbo sa iyo. Magiging mainitin din ang ulo mo kaya naman ay Malaki ang tyansang ibuntong at isisi mo ito sa iba.

Chill ka lang te, magisip muna ng maigi bago gawin ang mga bagay bagay!!

(CAPRICORN) THE BRAIN

(Disyembre 22 – Enero 19) Ang ibang tao ay magiging sagabal sa iyong mga paraan ng paggawa ng bay na sa tingin mo ay hindi tama kaya naman magiinit ang iyong ulo. Magsalita ka at sabihin ang sa tingin mo ay tama. Hindi madaling maging maayos ng hindi kalmado. Dapat ay wag kang magpadalos dalos sa iyong desisyon dahil isa sa mga magiging desisyon mo ang gagamitin laban sa iyo.

Ingat ingat dahil sariling espada mo ang maaring pumatay sa iyo.

(AQUARIUS)  THE SPIRIT

(Enero 20 – Pebrero 18)  Isa kang matapang na tao. Ngunit huwag kang magmadali sa mga bagay bagay. Mababawasan ang iyong katapangan dahil sa isang bagay na maaring maging dahilan ng pagbaba ng iyong confidence sa sarili. Bababa ang lakas ng loob mo , at ikaw mismo ang magbababa sa iyong sarili, kaya naman pataasin mo ang iyong loob at magisip ng positibo.

Wag magpapaapi, alam mong hindi ikaw yan.

(PISCES)    THE TRAVELER

(Pebrero 19 – Marso 20)  Nakakulong sa bahay, sobrang init, at pakiramdam mo ay naiipon at nakatambak lamang ang iyong enerhiya. Maaring iritang irita ka na, at maaring may magawa kang hindi kaaya aya. Magfocus ka sa mga bagay bagy ay huminga ng malalim kung sa tingin mo ay sinusumpong ka ng galit at pagkairita.

Habaan mo ang pasensya mo , hindi lahat ng bagay ay pabor saiyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here