Paano maging makinis at flawless ang iyong muka

¹Ú½ÅÇý

Marami sa atin ang kung ano ano na  ang ginamit na produkto para lamang kuminis at mawala ang mga pekas at ating mga tigyawat. Ngunit hindi ito nawawala at minsan ay mas lalo pa itong dumadami. Narito ang ilang mga tips upang kuminis , maging maganda ang iyong balat at mawala na ang iyong mga tigyawat.

  1. BIGYANG PANSIN ANG IYONG MAKE-UP ROUTINE.

Hindi naman nakakatigyawat ang make-up, ngunit isa ito sa pinaka nakakaapekto sa kalusugan ng ating balat. Marami sa atin kapag nagkakaroon ng pimple o tigyawat ay tinatakpan natin ito ng make-up. Ayos lamang naman ito basta ay alam natin kung paano ito lagyan o gamitin ng tama dahil ayon sa mga eksperto malaki ang natutulong ng make-up sa mga taong nakararanas ng pagdami o ng tigyawat.

Maaring ito ay dulot ng iyong make-up o yung mga ginagamit mong make-up. Maari kasi na hindi naayon sa iyong balat ang ginagamit mong make-up lalo na kung ang iyong balat ay oily skin type. Mayroong mga produkto ang naayon sa kung ano ba ang ìyong skin type. Upang kuminis ka isa sa mga unang dapat mong gawin ay alamin kung ano nga ba ang iyong skin type ikaw ba ay normal, combination o kaya naman ay oily type . Sunod ay alamin mo ang mga produktong naayon sa iyong balat, halimbawa ay kung ikaw ay oily type dapat ay iwasan mo ang mga produktong oil based dahil magiging dahilan ito ng pagdami at magbabara ng iyong pores na magiging dahilan upang dumami ang iyong tigyawat.

Kung hindi naman ito dahilan ng produktong iyong ginagamit at naayon naman ang mga produktong ginagamit mo sa iyong balat. Maaring masyadong makapal ang inilalagay mong make-up hindi naman nito babarahin ang iyong pores ngunit magiging dahilan ito upang mahirapan kang tanggalin ang lahat ng iyong make-up at may matirang make-up sa iyong muka na pupunta sa iyong pores. Panatilihing manipis ang iyong make-up at huwag maya’t maya ang pag reretouch mo. Siguraduhin mo rin na tanggalin ang iyong makeup at huwag matulog ng suot pa ito dahil isa ito sa pinaka malaking dahilan upang magkaroon ka ng kung ano ano sa muka.

Kung ayos naman ang lahat at nagkakatigyawat ka parin, baka naman dahil ito sa iyong make-up brush baka hindi mo ito nililinis kaya naiipon ang dumi dito at naililipat ito sa iyong make-up at muka na sanhi ng pagdami ng mga sakit sa balat sa iyong muka. Linisin mo ito kahit isang beses sa isang buwan o isang beses sa dalawang linggo.

2. KUMAIN KA NG TAMANG PAGKAIN.

Iwasan mo ang mga pagkaing nakakapagdulot ng acne o tigyawat. Hindi naman ito talaga nakakapag dulot nito ngunit gumagawa ito ng dahilan upang magkaroon ka ng tigyawat. Ngunit ano ano nga ba ang mga pagkain na dapat mong kainin upang maiwasan ito at mga pagkaing hindi mo dapat kainin.

Mga pagkaing maganda para sa balat:

  • Whole grains
  • Gulay
  • Mga pagkaing mataas sa vitamin C
  • Mga pagkaing mataas sa omega 3’s

Mga pagkaing hindi maganda para sa ating balat at maaring maging dahilan ng acne at tigyawat:

  • Alcohol
  • Delata o noodles
  • Puting tinapay
  • Fast food
  • Candy

3. AYUSIN MO ANG ORAS NG IYONG PAGTULOG.

Baka naman paiba iba ang oras ng iyonf tulog na dahilan upang hindi makapagtrabaho ng maayos ang iyong katawan na nakapagdusulot ng stress at tigyawat sa ating katawan. Kailangan nating matulog ng maayos upang makapagtrabaho ang ating katawan, mailabas ang mga hindi magaganda sa ating balat at maisaayos ang mga damage dito gaya ng ating mga tigyawat at mga peklat.

4. MAGPALIT NG PUNDA NG IYONG UNAN  

Maaring hindi ka nagpapalit ng punda ng iyong unan o kaya naman ay napakatagal na panahon pa bago mo ito palitan. Dapat ay palitan mo ito kahit isang beses sa dalawang linggo dahil kung ano ano ang naiipon dito habang tayo ay natutulog. Isa na rito ang ating laway, pawis, luha, dumi, at mga mantikang inilalabas ng ating muka habang tayo ay natutulog. Naiipon ito at inilalagay natin sa ating muka ang mga ito ng ilang oras baka naman ito ang dahilan ng iyong pagkakaroon ng tigyawat. Kaya ngayon ay kuhanin mo ang punda ng iyong unan at labahan itong kaagad ng sa gayon ay maging malinis ito at hindi maging dahilan ng iyong inaasam asam na clear skin.

5. MAG EXERCISE KA

Bukod sa papagandahin nito ang iyong katawan ay tutulungan karin nitong maalis at mailabas ng mga hindi magandang bagay sa iyong katawan at patataasin ang sirkulasyon ng iyong dugo na makakatulong para sa iyong balat. Ngunit kung ikaw ay naggygym dapat ay maging maingat ka sa pagkamit ng mga equipment dito dahil kung sino sino na ang gumamit nito. Kaya naman pagkatapos mong magehersisyo ay maligo ka ka agad upang maalis ang mga pawis at duming naipon sa iyong katawan.

Mayroon ka pa bang mga bagay na alam upang mapanatili ang ganda at kinis ng balat? Wag mong kalimutang mag comment sa baba upang makatulong ka sa ibang tao. Maraming salamat sa iyong pagbabasa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here