Love Horoscope; Marso 31

ARIES

Never ka pang nabored sa tuwing kasama mo siya. Ngayong araw ay aasahan mo na muling magiging makulay ang mga oras na kausap mo siya sa internet kahit wala kayong way na magkasama ay pipilitin nyo pa rin na maging masaya.

Masuwerteng numero; 31 & 41

TAURUS

Ang mga pagseselos mo sa kanya na ilang araw ng bumabagabag sa’yo ay mawawakasan na ngayong araw. Dahil ang tao na pinagseselosan mo ay mawawala na sa inyong buhay. Mapupunta na siya sa malayong lugar.

Masuwerteng numero; 16 & 17

GEMINI

Kahit pa ikaw na ang naunang sumuko sa inyong tampuhan ay mananatiling matigas ang kanyang kalooban ngayong araw. Hindi mo siya dapat pilitin. Kailangan mo munang ibigay ang space na hinihingi niya.

Masuwerteng numero; 5 & 10

CANCER

Yung tao na dati mong iniistalk sa social media ang siya ngayong mag-iistalk sa’yo. Marami siyang gustong malaman tungkol sa’yo dahil unti-unti ka na niyang nagugustuhan kahit pa alam niyang hindi ka na available para sa kanya.

Masuwerteng numero; 21 & 30

LEO

Kahit pa hindi ka niya kibuin ngayon ay maiintindihan mo. May nagawa kang mali sa kanya at aminado ka sa bagay na ito kaya naman ikaw ang siyang uunawa ngayon  at magbibigay ng mahabang pasensya para sa kanya.

Masuwerteng numero; 13 & 17

VIRGO

Kahit pa masakit sa’yo ay pipiliin mong palayain ang isang tao na alam mo namang hindi para sa’yo. Malinaw ang ipinapahiwatig sa’yo ng inyong tadhana kaya sa halip na kumontra ay dapat mo itong tanggapin.

Masuwerteng numero; 4 & 8

LIBRA

Magiging masaya ang bawat oras na lilipas kasama ang iyong kapareha. Ang malaking problema ay dadaanin nyo na lang muna sa tawa ngayon at saka na iisipin ang solusyon kapag pareho na kayong handa.

Masuwerteng numero; 10 & 20

SCORPIO

Mabigat ang sitwasyon na pareho ninyong kakaharapin. Kahit pa anong iwas ang gawin nyo ay hindi nyo ito matatakasan. Hindi magiging dahilan ang pinagdaraanang quarantine para malusutan ito kaya mapipilitan kayong harapin na lang.

Masuwerteng numero; 6 & 16

SAGITTARIUS

Ang iyong mahal ang siyang magiging sandalan mo ngayon sa bawat problema. Siya ang tanging solusyon sa mga suliraning di papipigil sa panahong ito. Dapat mo lang suklian ng kabutihan ang kanyang kabaitan.

Masuwerteng numero; 40 & 53

CAPRICORN

Hindi pa ngayon mawawala ang iyong mga pagdududa. Kaya naman ipagpapatuloy mo pa rin ang pag-iimbestiga sa kanya lalo na sa mga pakikipagcommunicate niya sa mga account niya sa social media. Ngayong araw ay may matutuklasan ka.

Masuwerteng numero; 27 & 31

AQUARIUS

Maraming idadahilan sa’yo ang iyong mahal para malusutan niya ang isang maling bagay na kanyang nagawa. Pero likas ang iyong pagiging matinik pagdating sa mga itinatagong lihim kaya naman aalamin mo pa rin ito.

Masuwerteng numero; 24 & 29

PISCES

Makakaramdam ka ng pangungulila sa iyong karelasyon. Sa buong maghapon ay wala kang ibang iisipin kundi ang kalagayan niya. Kung kumakain ba siya sa oras, kung nakakatulog ba siya ng maayos at kung naiisip ka rin ba niya.

Masuwerteng numero; 10 & 15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here