Chinese Horoscope; Marso 31

DAGA (RAT)

Hindi mo maiaalis na meron talagang mga tao na hindi magkakagusto sa iyong mga ginagawa. Gayunpaman, wala ka ng panahon para ito ay bigyan pa ng malaking atensyon. Sapat ng malaman mo kung sinu-sino sila.

Masuwerteng numero; 6,8,19,20

BAKA (OX)

May matutuklasan kang bagay na ikakagulat mo. May kinalaman ito sa dati mong karelasyon at isa sa iyong mga kaibigan. Pero dahil matagal na itong nangyari at wala ka ng komunikasyon sa kanila ay ipagkikibit balikat mo na lang.

Masuwerteng numero; 12,13,19,30

TIGRE (TIGER)

Para sa’yo ay mahalaga ang bawat oras na lilipas sa araw-araw kahit sabihin pang marami kang bakanteng oras ngayon. Kailangan mo pa ring maging produktibo kahit ikaw ay nasa loob lamang ng bahay  kasama ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 56,57,60,63

KUNEHO (RABBIT)

Isang malaking aral ang matututunan mo ngayon sa isang netizen na hindi mo kilala. Ang kanyang mga salita sa isang komento ay tatagos sa iyong puso at magsisilbing daan para magising ka sa katotohanan ng buhay.

Masuwerteng numero; 35,38,39,42

DRAGON (DRAGON)

Kahit marami kang dapat gawin ay wala kang balak kumilos ngayong araw na ito. Mas pipiliin mo na magpahiga-higa at tumambay sa bintana sa loob ng maghapon. Wala ka talaga sa mood na maging masipag ngayon.

Masuwerteng numero; 10,11,14,15

AHAS (SNAKE)

Babaguhin ng isang pangyayari ang isip mo ngayong araw tungkol sa isang bagay na matagal nyo ng pinagtatalunan ng iyong mga kapatid. Kung dati ay kumokontra ka sa kanila ngayon ay sasang-ayon ka na rin.

Masuwerteng numero; 25,30,35,40

KABAYO (HORSE)

Sa ayaw at sa gusto mo ay didistansya ka sa isang kamag-anak na sa tingin mo ay hindi na ayos ang ginagawa sa’yo. Masyado na siyang lumalampas sa kanyang limitasyon kaya pakiramdam mo ay naaabuso ka na niya.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

TUPA (SHEEP)

Hindi mo na hihintayin na sabihan ka pa ng nakatatanda. Alam mo na ang dapat mong gawin kaya magkukusa ka ngayon na kumilos. Susumpungin ka ng kasipagan ngayong araw kaya naman magugulat sila sa’yo.

Masuwerteng numero; 41,42,48,59

UNGGOY (MONKEY)

Magiging maayos ang pakikipag-usap mo sa isang nakatataas kaya naman kahit papa’no ay makakahinga ka na ng maluwag. Ang mga agam-agam mo sa mga posibleng mangyari na hindi maganda ay mawawala na.

Masuwerteng numero; 20,30,40,50

TANDANG (ROOSTER)

Hindi matatapos ang problema mo sa isang pagsagot lamang. Maraming katanungan sa’yo ang kailangan mong sagutin na mula sa puso. Kung babalewalain mo ay maari itong maging mitsa ng mas malalim pang pagdududa.

Masuwerteng numero; 4,6,7,9

ASO (DOG)

Hindi mo malalaman ang dahilan ng pag-iwas sa’yo ng isang kaibigan. Pero ayaw mo na itong idagdag pa sa mga problema mo kaya sa halip na bigyan ito ng atensyon ay magpopokus ka na lang sa mas importanteng bagay.

Masuwerteng numero; 5,15,25,26

BABOY (PIG)

Kahit malayo sa’yo ang isang kamag-anak ay matatanggap mo pa rin ang kanyang tulong pinansiyal. Labis mo itong ipagpapasalamat sa kanya dahil hindi ka niya pinabayaan sa panahong ito na nasa gitna ka ng kagipitan.

Masuwerteng numero; 8,18,20,22

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here