Paano Pumuti ng Mabilis

Narito ang ilang mga paraan sa agarang pagpuputi.

YOGURT AT GRAM FLOUR

Ang paggamit ng yogurt para sa pagpapaputi ay karaniwan ng ginagawa. Ang paggamit nito sa ating katawan at pagkain nito ay parehong nakakaganda ng ating balat.

Ang pagiging isang produkto ng gatas, ang yogurt ay puno ng nutrisyon  na kapani-pakinabang sa ating balat. Ang lactid acid sa yogurt ay natural na nakakaputi. Ang gram flour ay may nutrition na nakakatulong upang ma improve ang inyong balat. Maari rin itong gamitin pampaputi. Ang pinaghalong gram flour at yogurt ay nakakatulong upang ma moisturize  at matanggal ang mga langis sa inyong balat.

  • Paghaluin ang gram flour at yogurt at ilagay ito sa inyong balat.
  • Hayaang matuyo sa loob ng 30 minuto
  • I-massage mo ang iyong balat at hugasan ito ng tubig.
  • Upang maalis ang pangingitim na dulot ng pagbilad sa araw gamitin ito kadaaraw ng 2 hanggang 3 linggo.

PAPAYA

Dahil sa nutritive properties neto, ang papaya ay kadalasan ginagamit sa pag aalaga ng balat. Nakakatulong ito upang kuminis ang inyong kutis at pumuti ang inyong balat.

  • Hiwain at durugin ang saging at papaya ng magkasama.
  • Mag lagay ng honey sa dinurog na prutas
  • Haluing mabuti at i-apply ito sa inyong balat
  • Hayaan mo lamang ito ng 15 hanggang 20 minuto sa iyong balat pagkatapos ay banlawan ito ng maligamgam na tubig.

ORANGE

Ito ay may mataas na benipisyo sa ating balat dahil ang orange ay mayaman sa Vitamin C. Ang orange ay nakakatulong upang magpaputi ng balat.

Gayundin, ang araw araw na paginom ng orange juice ay makapagbabalik ng dating ganda ng iyong balat, at nakakatulong upang maging malambot at makinis ito.

  • Maglagay ng orange juice saiyong balat upang mapantay ang iyong kulay. Maari karing maglagay ng orange juice sa iyong mga kinakain upang makuha ang mga benepisyo nito

HONEY

Ang pangingitim ay maaring epekto o bunga ng dryness o pagtutuyo ng ating balat, ang honey ay makakatulong ng malaki dito dahil inihhydrate nito ang ating balat na makakatulong sa iyong pagpapaputi. Mayroon din itong anti-bacterial properties na makakatulong upang makaiwas sa mga sakit sa balat kagay ng tigyawat. At nakapagpapaalis rin ng mga peklat

  • direktang ilagay ang honey sa balat
  • hayaan ito ng limang minuto at banlawan

LEMON

Ang lemon ay nakakatulong sa pagpapaputi ng balat dahil sa ito ay bleaching agent. Ginagamit ito pampaputi lalo na sa mga singit, kilikili tuhod at siko. Nakakatulong rin ito upang alisin ang iyong peklat at maaring gamitin sa ibat ibang parte ng katawan.

  • ilagay lamang ito ng derekta sa maitim na parte ng iyong katawan
  • hayaan ito ng 2 minuto at agad banlawan
  • huwag itong patagalin sa iyong katawan dahil maari itong magdulot ng pagkairita.

Salamat sa inyong pagbabasa kung may katanungan kayo ay huwag mahiyang magkumento sa baba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here