Stressful Relationship, Hindi Na Dapat Ipaglaban

Masaya ang makipagrelasyon sa tao na labis mong minamahal. Yung tao na nagpapakilig sa’yo, nagbibigay sa’yo ng pag-asa at nagmamahal din sa’yo ng totoo. Pero kung ikaw ay mapasubo sa isang relasyon na hindi na healthy para sa inyong magkapareha, wala na itong maibibigay sa inyo kundi stress. Marami nga ang nagsasabi na sa una o sa umpisa lamang masaya ang pakikipagrelasyon, pero habang tumatagal, kapag lumabas na ang incompatibility nyo ay doon na magsisimula ang sakit ng ulo nyo pareho. Kapag nakita nyo na ang bad side ng isa’t-isa at hindi nyo ito kayang tanggapin, mahirap ng ayusin pa ang inyong pagsasama. Pwedeng hindi kayo maghiwalay kung meron kayong dahilan tulad ng inyong mga anak, kabuhayan o anupamang reason, pero sa gitna nito ay naroon ang hindi maganda ninyong pagtitinginan na siyang magbibigay sa inyo ng sobrang stress.

Kung ang reason mo kung bakit mo patuloy na ipinaglalaban ang inyong relasyon ay dahil ayaw mong masira ang iyong pamilya, hindi ito tama. Nagkakamali ka. Oo, masasabi mong buo ang iyong pamilya dahil iisa ang bahay na inuuwian nyo, dahil nagkikita pa kayo araw-araw, dahil nag-uusap pa kayo kahit papa’no, pero deep inside ay wala na ang love, trust at respect nyo sa isa’t-isa, sa halip ay puro stress na lang ang nararamdaman nyo pareho, masasabi mo pa kayang buo pa ang inyong relasyon? Kung hindi na buo ang inyong pagmamahalan, hindi lang kayo ang maii-stress kundi maging ang mga tao sa paligid nyo lalong lalo na ang inyong mga anak. Dahil wala na silang mararamdaman o makikita na pagmamahal pang namamagitan sa inyo kundi puro bangayan,samaan ng loob at hindi pagkakasundo sa maraming bagay. Kaya kung gusto nyo pa na maging masaya pareho ay dapat nyo ng pakawalan ang isa’t-isa. Lalo na kung kayo ay boyfriend o girlfriend pa lang o mag-asawa na wala pang anak. Dahil ang stressful na relasyon ay hindi na dapat pang ipinaglalaban sa halip ito ay pinakakawalan at pinalalaya upang mahanap ang tunay na ligaya at kapanatagan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here