Masakit na puson paano nga ba maiiwasan?

Ngunit bakit nga ba sumasakit ang puson mo? Ito ay bunga ng pagsikip ng iyong puson o uterus dahil kailangan ito upang maalis ang mga lining na naipon dahil hindi ka nabuntis at nakakatulong rin ito upang lumabas ang mga dugo.

Sumasakit ang ating puson lalo na kung magkakaroon o kasisimula pa lamang ng ating buwanang dalaw. Nararanasan ito ng nakararami ngunit may ilang babae rin naman na hindi nakakaranas ng pananakit ng puson. Sa unang pagkakaroon mo palamang ng buwanang dalaw ay maaari ka nang makaranas ng pananakit ng puson na mababawasan naman habang ikaw ay tumatanda.

Pero may mga paraan naman upang maibsan o mabawasan ang pananakit na ito na talaga namang pahirap lalo na kung may mahalagang bagay tayong gagawin.

1. Una ay ang mga gamot gaya ng Advil, Aleve, at tylenol na maari nating mabili sa mga butika na malapit sa atin

2. Isa ring nakakatulong upang maibsan o mabawasan ang pananakit ng puson ay ang pag eehersisyo dahil nakakatulong ito upang natural na lumabas ang dugo at mababawasan ang pagsikip ng ating puson o uterus.

3. Maari ring makatulong ang heating pad o paglalagay ng mainit na tubig o pagdadampi ng mainit na tubig na nakalagay sa isang lalagyan gaya ng bote o mga lagayang mabibili sa palengke o mall. Ilagay mo lamang ito sa iyong puson o sa ibabang parte ng iyong likod. Makakatulong ang heating pad upang mas maging maayos ang pagdaloy ng dugo palabas sa ating katawan.

4. Isa pa sa nakakatulong upang maibsan ang pananakit ng ating puson ay ang paliligo ng maligamgam na tubig. Gaya ng paggamit ng heating pad, makatutulong ito upang mapadali ang paglabas ng dugo sa ating katawan at marelax ang ating katawan.

5. Makakatulong din ang sexual na pagpaparaos. Maaring sa iyong sarili at maari ring kasama ang iyong partner. Maari kang magsarili o kaya naman ay magtalik dahil hindi naman nakakasama kung makikipagtalik ka habang ikaw ay may buwanang dalaw at makakatulong pa ito upang maibsan ang pananakit ng iyong puson.

6. Pagpapahinga. Makakatulong din ito upang mailabas at makapagtrabaho ng maayos ang iyong katawan na mailabas at dugo sa ating katawan ng maayos.

Kung pagkatapos mong gawin ang mga bagay na ito o kahit ang paginom ng gamot ay hindi na nakakatulong o walang epekto sa sakit na iyong nararamdaman ay mas mabuting magpacheck up ka na upang maresitahan ka ng gamot na nababagay sa iyo o malaman kung normal pa ba ang sakit na iyong nararamdaman. Maari rin kasing may iba pang dahilan ang sobrang pananakit ng iyong puson na talaga nga namang delikado at kailangang maagapan kaagad kapag sa tingin mo ay hindi na ito normal o hindi na naiibsan ng gamot.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa, sana ay may natutunan kayo sa ating article kung may katanungan ka ay wag mo lamang kalimutang magcomment at sasagutin natin ang iyong katanungan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here