Yoga Poses para sa mga babaeng nasa early 50’s na

Nakakabuti nga ba ang yoga upang matanggal ang sakit na nararamdaman dahil sa herniated disease? Mga simpleng yoga poses na gagawin at ginaguide ng mga experts sa yoga.

Ayon sa mga dalubhasa ang mga taong nagsu-suffer ng herniated diseases ay may benepisyong nakukuha mula sa simpleng movements na nag emphasise sa extension ng mga buto natin. At sa pagkakaalam natin ang yoga ay ginagawa lahat sa pamamagitan ng pag stretch ng katawan na nagbibigay kaginhawaan para sa mga pasyenteng may herniated disease mula sa sakit na nararamdaman at kasama na rito ang pag strengthen ng buto sa likod.

Yoga para sa Herniated Disease

May mga iilan lang na yoga poses para sa herniated disease at nakapagbibigay ito ng kaginhawaan sa mga pasyente nito mula sa medical condition na ito. Kasali na dito ang shoulder stand na nakakabuti din sa mga pasyente.

1) Camel Pose – Upang magawa ang camel pose ay dapat:

  – lumuhod ka sa sahig at ilagay ang mga kamay sa hips

  – Ang pinaka top part ng iyong mga paa ay dapat nasa mat. At ngayon, I-lengthen ang spine mo.

  – DAhan dahan mag bend patalikod habang nakalagay ang dalawang kamay sa heels mo.

  – I-stretch ang leeg at ibend ang ulo patalikod.

  – I-slide ang dalawang kamay sa soles mo.

  – Manatili sa ganoong posisyon ng ilang segundo.

2) Locust pose – Ang pose na ito ay makakatulong sa circulation ng dugo at ma-eenhance ang flexibility.

  – Una, humiga sa sahig sa pamamagitan ng belly mo. Gumamit ng soft padding kung kinakailangan.

  – Ang arms mo ay dapat naka stretched kasabay sa katawan mo. Ipahinga ang noo at mukha sa sahig.

  – Kapag humihinga ka, itaas ang dibdib, legs at arms mula sa sahig.

  – Siguraduhing naka straight ang mga kamay at manatiling flat sa magkabilang sides.

  – Ihiwalay ang mga paa at mga daliri. Mag focus sa pag inhale.

  – Manatili sa pose na ito ng ilang segundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here