Uminom ka ng tubig at papayat ka. Alamin dito kung paano

Paginom ng maraming tubig ay nakakatulong upang makapagbawas ng iyong timbang. Tumutulong ito upang palakasin ang iyong metabolism, at bawasan ang kagustuhan mong kumain. Ang paginom ng inererekomendang 8-10 baso ng tubig kada araw ay mahirap, ngunit kung ikaw ay may determinasyon, ay kakayanin mong gamitin ang tubig upang makatulong sa iyo.

1. UMINOM NG TUBIG SA BUONG ARAW. Ang pag-inom ng tubig sa araw ay nakakatulong na madama mong busog ka kahit hindi ka umiinom ng mga inuming mataas ang calories, gaya ng gatas, milk tea,mga juice at mga pagkaing nakakataba. Maari ring mas kaunti ang makain mong meryenda, dahil pakiramdam mo ay busog ka na.

PAng pagkain ng mas kaunting calories sa araw-araw ay makakatulong sa mabilis na pagbabawas ng timbang.

  • kapag hindi mo nagustuhan ang pag-inom ng tubig, subukan mong uminom ng may flavor na tubig.
  • mag set ka ng alarm upang mapaalalahanan ka na uminom ng tubig. Sa paraang ito di mo malimutan ang pag inom ng tubig. Matutulungan ka rin neto upang masanay ka na palaging uminom ng tubig.
  • panatilihing malapit sayo ang tubig. Ang laging pagkakaron ng bote ng tubig sa paligid mo ay makakatulong upang mas marami kang mainom na tubig.

2.   UMINOM NG iISANG BASONG TUBIG BAGO KUMAIN. Ang feeling mo na busog ka ay makakatulong upang makakain ka ng kakaunti, pati narin ang pagkain ng mas kakaunti ang calories para sa pagbabawas ng timbang. Wag mo ring kalimutan ang dami at calorie ng kinakain mo. Hindi inaalis ng tubig ang hindi maayos na pagkain.

Uminom ng punong baso ng tubig bago, habang, at pagkatapos kumain. Makakatulong to upang mapabilis ang pagbaba ng iyong timbang. Ang tubig ay makatutulong sa iyong katawan na ma breakdown ang pagkain at ma absorb ang mga nutrients neto.

3.    PALITAN ANG MGA MATATAMIS NA INUMIN NG TUBIG. Sa halip na uminom ng soda, alak, smoothies, o may matataas calorie ng inumin, kumuha ka nalang ng isang bote ng tubig. Ang pagpapalit sa mataas ang calories sa inumin sa walang calories na inumin gaya ng tubig ay magiging malaking tulong para sainyong pagbabawas ng timbang.

4.   Kung iinom ka ng ibang inumin dapat ay kung gaano karami ang nainom mo ay inuman mo ng tubig. Ang tubig na iinumin mo dahil sa paginom ng ibang inumin bukod sa tubig ay dagdag pa sa 8-10 basong iinumin dapat kada araw.

5. Iwasan mo ang pagkain ng maalat na pagkain. Upang mabawasan ang timbang .

  • iwasan mo ang asin,at magfocus sa mga pampalasang walang masamang epekto saiyo gaya ng bawang , o mga sariwang pampalasa.
  • mayroon din namang mga produkto ang nagooffer ng low sodium na pampalasa ayon ang kuhanin mo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here