Alisin ang tigyawat kaagad at maiwasan ito.

Naranasan mo na bang gumising sa umaga at excited ka pa dahil nalalapit na ang isang espesyal na araw sa iyong buhay? At pagkatingin mo sa salamin ay nakuuuuu!!!! May tigyawat sa iyong muka. Huwag kang magalala dahil narito naman kami upang tulungan ka at sa loob lamang ng ilang gabi ay matutuyo na ito kaagad dahil mga paraang at payong ibibigay namin sa iyo.

1. Huwag na huwag na huwag mong puputukin ang iyong tigyawat. Bakit kamo? Dahil bukod sa lalaki ang posibilidad na mas lumaki ito at dumami, ay magiiwan pa ito ng peklat na maaring maging pangmatagalang butas sa iyong muka. Isa ang pag puputok sa tigyawat sa rason para sa pagbubutas butas ng ating muka na hindi magandang tignan at mahirap pang alisin. Maging si Vice ganda ay mayroon ng problemang ito. Papatagalin lamang nito ang paggaling at pagkawala ng iyong tigyawat imbes na mawawala na sana ito ngunit dahil pinutok mo ito ay mas tumagal pa ito sa muka mo at mangingitim muna bago tuluyang mawala. Kaya naman kahit gaano ka pa natutukso upang putukin ito. HUWAG NA HUWAG MO ITONG PUTUKIN!

2. Sunod gawin mo ang ice method. Ibalot mo lamang ang yelo sa tela at pagkatapos at ilagay mo ito sa parte ng iyong muka na may tigyawat ng ilang minuto. Ang gagawin nito ay babawasan ang pagkapula at makakatulong upang mas mapabilis ang paggaling nito.

3. Bumili ka ng tea tree oil pagkatapos ay ilagay mo ito ng direkta sa iyong tigyawat ito ay napaka epektibo sa pag papatuyo ng tigyawat. Ngunit una ay maghilamos ka muna ng muka at mas magandang gawin ito bago matulog upang mababad sa iyong muka ang tea tree oil ng buong gabi. Isa itong mabisang produkto na karaniwang inilalagay sa mga sabon na pampaalis ng tigyawat at kung ano ano pang sakit sa balat.

4. Maghilamos ngunit wag itong abusuhin. Hanggat maari dapat ay dalawang beses lamang tayo maghilamos sa iang araw. Una ay pagkagising upang alisin ang mga mantika at mga bagay na inilabas ng ating muka o balat habang natutulog at sumunod naman ay sa gabi upang alisin ang mga dumi na naipon sa ating muka sa buong araw. Kapag sobra sobra tayo maghilamos ay maaalis nito pati ang mga mantikang kinakailangan ng ating muka na maaring maging dahilan upang mastress ang ating balat at madaliin ang produksyon ng mantikang kailangan ng ating muka na magdudulot ng tigyawat.

5. Kailangan ng sapat na tulog. Kapag maayos ang ating tuloy ay nagiging regular ang oras ng pagtatrabaho ng ating balat na makakatulong upang maging maganda ang ating balat at makaiwas sa tigyawat. Ito rin ay makakatulong upang mawala ang tigyawat dahil nirerepair o inaayos ng ating katawan ang ating balat at natural nitong isinasaayos ang ating katawan na magiging dahilan upang mas maging mabilis ang paggaling ng ating tigyawat.

Sana ay nakatulong ang article na ito para sainyo kung maykatanungan kayo ay wag kayong mahiyang magtanong dahil narito lamang kami para tumulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here