Tsismis, nakamamatay!

Sana ang mga tsismosa na nagkalat sa bawat sulok ng mundong ito ay magkaroon ng panahon para basahin ang artikulo na ito. Bakasakali kasing makatulong ako para itikom na nila ang kanyang bibig. Makabubuti rin kung mag-iisip muna siya ng kung ilang milyong beses bago siya magsabi ng nakasasakit sa kanyang kapwa.

Halimbawa na lamang, kapag nagpakalat ka ng tsismis na ang bagong lipat ninyong kapit bahay ay isang aswang, Kahit na nasa modernong panahon na tayo ngayon, may ilan pa rin sa kababayan natin ang naniniwala na maaaring mayroong ganitong nilalang lalo pa’t nagkasunod-sunod ang patayan. Kung minsan kasi, naghahanap lang tayo ng taong masisisi para masabi nating nasolusyunan na ang problema.

Ang masakit lang ay hindi natin naiisip kung anong magiging epekto noon sa mga taong maniniwala sa tsismis at sa mga mabibiktima ng tsismis. Ang mga mabibiktima ng tsismis ay maaaring makaramdam ng labis na takot na maaaring maging dahilan na naisipan nilang magpakamatay. At ang mga taong maniniwala naman sa tsismis ay makakaramdam ng labis na galit sa taong nabiktima ng tsismis, kaya may tendensiya na maisipan niyang manakit o pumatay.

Kung ikaw ang taong nagpakalat ng tsismis, matatahimik ka ba kapag may nangyaring masama sa taong ginawan mo ng maling kuwento? Kaya, kung may konsensiya ka pang natitira, tigilan mo na ang pagkakaroon ng makating dila dahil baka makasira ka ng buhay. Isipin mo naman sana ang mga taong magiging kaawa-awa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here