Paraan para Manalo kang Beauty Queen

Una, dapat lagi kang present. Hindi ka lang dapat nasa contest venue, kailangan din na doon ka lang nakatutok. Importante rin na siguraduhin mong magandang-maganda ang iyong buhok at make up. Tandaan mo, ang hair at make up ay mahalaga sa mundo ng pagandahan. Kapag nagpapaayos ka, pwede kang mag-relax ero ituon mo roon ang atensyon mo. Para maiwasan mong gumamit ng telepono habang nagpa-make up ka o nagpapaayos ng buhok. Daat ding iwasan mo ang kumain o uminom habang ikaw ay nagpapa-make up o nagayos ng buhok. Respetuhin mo rin ang rin ang mga taong nagtatrabaho sa’yo.

Pangalawa, huwag ka na masyado mag-alala. Magaling ka at lahat ng kailangan ng isang wagi ay nasa sa’yo. Saka, kaag nasa entablado ka, ipakita mo lagi na okay ka. Kahit a sabihing may masakit sa’yo, huwag kang magpapahalata. Hindi mo naman siguro gugustuhing mapahiya, di ba? Basta ipakita mo lagi matamis mong ngiti at ang nagniningning mong mga mata.

Pangatlo, siguraduhin mong tunay na ngiti ang ipapakita mo. Para mas maging madali sa’yo ang ngumiti, mag-isip ka ng mga nakakatuwang bagay. Balwalain mo lang ang di magandang pangyayari sa’yong paligid. Ituon mo lang ang iyong atensyon sa korona kaya makabubuting isipin mo na para talaga ‘yan sa’yo.

Pang-apat, tiyakin mo na perpekto ang lahat para sa’yo. Tandaan mo, kapag lumalaban ka na ay wala ng lugar ang pagkakamali. Sa pagsalang mo, kailangan ay okay na okay na ang iyong hitsura. HIndi puuwedng lumalaban ka na pero inaayos mo a rin ang buhok mo o ang iyong kasuotan.

Panlima, magsanay palagi. Magiging perfect lang ang iyong hitsura at ginagawa kung lagi kang magsasanay. Saka, kailangan din marunong kang sumunod. Hindi maaaring lahat ng gusto mo ay susundin. Kailangan mo ring makinig a ipinaayo sa’yo dahil diyan ka rin magtatagumpay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here