10 Paraan para maging Maganda

Kung nais mo talagang magkaroon ng pagkakataon para magmistulang beauty queen, may mga payo at paraan akong sasabihin sa’yo para magkaroon ng katuparan ang mga pangarap mong ‘yan.

1.Magkaroon ng makapal na buhok – Tiyak kong maraming babaeng sumali sa contest ng pagandahan ang aayon na mas gaganda ka kung makapal ang iyong buhok. Babaing-babae kasi ang iyong magiging dating. Maikli man o mahaba ang iyong buhok, iba pa rin ang dating nito kapag makapal. Nagsasaad din kasi iyon ng kalusugan ng isang babae.

2. Magsuot ng damit na makikita ang hubog ng iyong katawan – Bilang babae, kailangan ay alam mo kung anong klaseng damit ang swak sa’yong katawan. Ang mga katangian mo ay kailangang ipagmalaki mo. Kung maganda naman ang iyong balikat, magsuot ka ng strapless. Kung mayroon ka namang mahahabang binti, huwag kang matakot na ipakita ‘yan.

3.Paputiin mo ang iyong ngipin – Ang isa sa pinakamadaling paraan para gumanda ng husto ay kung mayroon kang magandang ngiti. Siyempre magagawa mo lang ipakita ang iyong mga ngipin kung mapuputi ang mga ‘yan.

4. Pumili ng Make up – Kung nais mo talagang lumutang ang iyong ganda, siguraduhin mo na bagay na bagay sa’yo ang iyong make-up. Hindi naman kailangan na mamahalin ang iyong make up, mas importante pa rin na akma sa kutis mo ang kulay ng iyong make up para mas maging kahanga-hanga ka sa paningin ng marami.

5. Magparetoke – Para mapansin ka ng mga tao, kailangan ay ‘biniyayaan’ ang iyong dibdib. Kung may pera ka naman, gastusan mo rin ang iyong sarili para mas maging kapansin-pansin ka.

6. Huwag magpupuyat – Kung ayaw mong magkaroon ng eye bags, kailangang nasa oras ang tulog mo. Tandaan mo, pangit din ang iyong kutis kapag hindi mo inaalagaan ng husto ang iyong sarili.

7. Kumain saging – Dahil sagana sa potassium ang saging, magiing mas maganda ang iyong kutis.

8. Panatilihing maganda ang iyong kamay – Ang mga magagandang babae ay hindi hinahayaan na pangit at marumi ang kanilang kamay. Kaya, tiyakin mo na maganda lagi ang iyong kuko at huwag mo hahayaang may duming masisilayan diyan.

9. Maging maganda palagi ang iyong balat – Magpa-araw ka para naman maging mamula-mula ang iyong kutis. Kung minsan, hindi mapapansin ang iyong mga alahas na mamahalin  kapag pangit ang iyong kutis.

10. Magsuot ng may takong – Mas nakaka-sexy sa isang baba kung siya ay naka-high heels.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here