Sentimyento Ng Bayan Sa Enhanced Community Quarantine

Matapos mag-announce ni Pangulong Duterte ng enhanced community quarantine para sa buong Luzon kagabi, March 16 ay agad itong ipinatupad ng 12 midnight ngayong Marso 17. Sa unang araw ng pagpapatupad nito ay marami ang naging hassle. Hindi pa kasi nakapaghanda ang karamihan sa biglaang pagpapatupad nito bunsod ng lumalalang covid-19. Sa kabila ng panganib na dala ng covid-19 ay marami pa rin ang pumapasok sa kani-kanilang mga trabaho. Hindi naman natin masisisi ang mga tao dahil kailangan nila ng budget para sa kanilang pagkain at iba pang bayarin kaya sinusuong nila ang panganib. Pero dahil hindi naging sapat ang naunang pinairal na community quarantine na kinapapalooban ng social distancing kaya ito ay nauwi sa enhanced community quarantine kung saan ang mga pampublikong sasakyan ay hindi na pinayagan na bumiyahe.

Ang iba ay late ng nalaman ang tungkol dito at late ng nakalabas sa trabaho kaya inabutan sila sa daan ng curfew at wala na rin silang masakyan. Ang kanilang sentimyento,sana naman daw ay binigyan muna sila ng palugit na oras para makauwi. Paano nga naman sila makakapaghouse quarantine kung maii-stranded sila sa daan. Hindi tuloy maiwasan na hindi sila magkumpulan kung saan sila na-stranded kaya ang social distancing ay nabalewala. Kaya kung isa sa kanila ay carrier, malamang na marami pa sa katabi nito ang mahawa. Matapos ang ilang oars na diskusyon sa pagitan ng militar at mamamayan ay saka lamang sila pinayagan na makauwi sa kani-kanilang tahanan. Ang isa pang hinaing ay yung mga naka-destino sa trabaho na gabi na nalaman ang tungkol dito. Natural lamang na hindi pa agad-agad makakauwi. Pero hindi na nga sila makakauwi pa dahil kinabukasan din ay ipinatupad na nga ang enhanced community quarantine. Ang problema nila ngayon ay kung nag-stop na rin ang trabaho doon at wala na rin silang budget para ipanggastos, tapos wala silang masasakyan pabalik sa kanilang tahanan. Hindi nila alam kung paano nila haharapin ngayon ang buhay na walang trabaho at malayo pa sa kanilang pamilya.

Unang araw pa lang ito at inaasahan na marami pang problemang kakaharapin ang gobyerno at sambayanan sa pagpapatupad nito. Kung makakauwi lang sana sa kanilang mga bahay ang bawat mamamayan at makikiisa sa ipinapatupad na community quarantine ay baka masolusyunan na natin ang problemang ito sa covid-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here