Ginataang Tahong

Sa panahon ngayon na naka-home quarantine ang lahat, siguradong marami ang maiinip. Lalo na yung mga taong sanay na pumasok sa kani-kanilang trabaho araw-araw. Yung hindi sanay na mag-stay sa loob ng bahay ay siguradong iikot ang pwet kung ano ang kanilang magagawa. Pero sabi nga, find the goodness in every difficult situation. Kaya sa mga oras na naiinip tayo sa bahay, bakit hindi tayo gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain tulad ng pagluluto. Tuklasin natin ang mga recipe na sa palagay natin ay makapagbibigay ng ngiti sa mga mahal natin sa buhay na kasama nating nananatili sa loob ng bahay. Masarap kasi na pag-usapan ang problema at hanapan ito ng solusyon habang may pinagsasaluhan kayong pagkain. At sa ganitong panahon na nalalapit na ang mahal na araw ay nauuso ang tahong. Karaniwan ito ay sinasabawan natin ng sprite at sinasamahan ng luya at sibuyas. More like tinola. Ang malalaking tahong ay pwede rin namang ihawin. Bukod dito ay pwede rin itong gataan. Narito ang recipe na maaari mong sundan.

Ingredients;

Tahong

1 Tasa ng kakang gata

1 tasa ng gata

I piraso ng katamtamang laki ng sibuyas

Katamtamang laki ng luya

Asin

Konting suka

Konting mantika na panggisa

Malunggay

1.Una ay paiinitin mo muna ang konting mantika na ilalagay mo sa kaserola

2.Igisa ang sibuyas at luya

3.Ibuhos ang gata at pakuluin ito

4.Ilagay ang tahong

5.Lagyan ng konting suka at least 4 or 5 tablespoon lang.

6.Budburan ng konting asin at least half of tablespoon, depende sa panlasa mo sa alat.

7.Isama ang malunggay

8.Hayaan itong kumulo sa loob ng isang minuto. Pagkatapos ay saka lamang ibubuhos ang kakang gata.

Presto, meron ka ng ginataang tahong! Malinamnam at masustansya, siguradong gaganahan sa pagkain ang iyong pamilya. Kung mahilig ka naman sa maanghang ay pwede mo rin itong lagyan ng sili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here