Curfew, Ipatutupad Na Sa Metro Manila Dahil Sa Covid-19

Mula 8pm hanggang 5am ang curfew na ipatutupad sa Metro Manila.Pero kakailanganin pa ng kanya-kanyang ordinansa ng mga local government unit bago ito maipatupad.  Sa ginawang pagpupulong sa Makati kaninang umaga ay tinalakay ng Metro Manila Council ang ilang mga guidelines kaugnay ng paiiraling community quarantine sa NCR. Kabilang nga sa mga guidelines na ito ang ipatutupad na curfew mula alas otso ng gabi na tatagal hanggang alas singko ng umaga. Ang Metro Manila ay binubuo ng labing anim na lungsod at isang municipalidad. Bawat local government unit ay kailangang makipagpulong sa kanilang mga opisyal at maglabas ng kani-kanilang ordinansa upang maipatupad ang nasabing curfew.

MGA PAPAYAGANG LUMABAS AT PUMASOK NG METRO MANILA

1.Mga health worker

2.Awtorisadong opisyal ng pamahalaan

3.Dahilang medikal o humanitarian

4.Mga binigyan ng permiso batay sa nakalistang probisyon

5.Pupunta sa trabaho

6.Bibili ng pagkain at iba pang pangangailangan

7.Mahalagang skeleton workforce

Ang mga nagtatrabaho ay kailangang magpakita ng ID at ang mga may negosyo naman ay kailangang magpakita ng pruweba.Maging ang mga magpapatsek up sa Metro Manila ay papayagan makapasok kung sila ay magpapakita ng medical documents.

Mula naman March 14 hanggang April 13,2020 ay iminungkahi rin ng Metro Manila Council ang pagsasara ng mall. Pero mananatili namang bukas ang supermarket, grocery store, pharmacy at bangko na siyang mga pangunahing pinupuntahan ng mga tao.

Nanawagan si Deputy Chief for Operations  PLTGEN Guillermo Eleazar na makiisa ang mga tao sa gagawing checkpoints upang hindi na ito humantong sa mga pag-aresto. Kung wala naman gagawing mahalagang bagay sa labas ay manatili na lamang sa loob ng bahay.

Ipinagbawal din ang mga gatherings gaya ng panonood ng sine, konsiyerto, gawaing pampalakasan, gawaing panlibangan at pagtitipon ng mga komunidad. Ang papayagan lang ay ang gawaing panrelihiyon subalit kailangang pairalin dito ang social distancing. Gayundin ang mahalagang pulong pantrabaho. Mas makakabuti kung susundin na lamang natin ang mga ordinansa dahil para rin ito sa ikabubuti ng lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here