Mga Dapat Gawin Kapag Nahuling Nagtataksil Ang Kapareha

Kapag nahuli mong nagtataksil ang iyong kapareha, siguradong matutuliro ka at hindi ka agad makakapagpasya kung ano ba ang pinakatama mong gawin lalo na kung siya ay mahal mo pa. Narito ang dalawang tips na maaari mong gawin.

1.Let him/her go.

Unang-unang maiisip mong gawin ay makipagbreak. Alisin siya sa buhay mo. Dahil nasasaktan ka, hindi mo gugustuhin na makita siya o makausap. Yung tipong diring diri ka sa kanya lalo na kung nahuli mo siya sa akto tulad ng pakikipaghalikan o kaya ay pakikipagsex sa iba. Kung gusto mo siyang bitawan, gawin mo. Let him/her go. Isang magandang paraan ang pagpapalaya  kapag ikaw ay nasaktan. Sa ganitong paraan ay mas madali mo siyang makakalimutan. Hayaan mo siyang lumipad kung saan niya gusto at kasabay nito ay hayaan mo rin ang sarili mo na makalaya mula sa kabiguan na dulot niya sa’yo. Baka kasi pinalaya mo nga siya pero ikukulong mo naman ang sarili mo sa kalungkutan. Sa oras na pakawalan mo siya ay deserve mo ring makawala sa tanikala ng kasawiang ipinanggapos niya sa’yo.

2.Let him/her stay.

Kung sa kabila naman ng kanyang nagawa ay hindi mo pa rin maitatanggi sa sarili mo na maahal mo pa rin siya, then let him/her stay. Patawarin mo siya sa kanyang pagkakasala at ibigay sa kanya ang ikalawang pagkakataon. Kailangan lang na maintindihan mo, na sa oras na pinatawad mo siya at piniling manatili siya sa buhay mo, hindi mo na dapat pang ungkatin ang nagawa niyang pagkakamali. Dahil kung ito ang gagawin mo, lagi mo siyang susumbatan at laging ipapamukha sa kanya ang iyong pagpapatawad, hindi rin magkakaroon ng katahimikan ang ikalawang pagkakataon ng inyong relasyon. Dapat mong maunawaan na sa muli mong pagtanggap sa kanya ay magkasabay ninyong tatalikuran at kakalimutan ang hindi magandang pangyayari sa nakaraan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here