May Magagawa Ka Para Makaiwas Sa Virus

Matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte kahapon kaugnay sa Covid19, tila mas naging maingat pa ang mga tao ngayon. Mas naintindihan na nila kung ano ang maaaring idulot sa atin ng Covid19. Hindi ito dapat maliitin, subalit hindi rin tayo dapat lubusan magpaapekto. Dapat pa rin nating gawin ang ating daily routine, kailangan lamang na idagdag natin sa ating daily routine ang mga dapat gawin na makakatulong para tayo ay makaiwas sa virus. Para maprotektahan natin hindi lang ang ating mga sarili kundi maging ang mga mahal natin sa buhay at ang ating kapwa.

1.Sa umaga pa lang pagkagising ay pwede mo nang simulan ang iyong ehersisyo para lumakas ang katawan. At kapag sumikat na ang araw ay magbilad at least 30 minutes o isang oras.

2.Uminom ng tubig. Kung dati ay walong basong tubig ang iniinom mo kada araw o mas konti pa, sa panahon ngayon na laganap ang covid19 ay siguraduhin na maya’t maya nakakainom ng tubig upang laging maging basa ang lalamunan.

3.Mahalaga rin ang makakumpleto ng tulog. Para kang nagrerecharge ng cellphone. Kung saglit na oras ka lamang matutulog ay para mo na ring hinugot ang charger mo na konti pa lang ang laman ng battery ng cellphone mo, meaning saglit lang din ang enerhiya na itatagal ng iyong katawan.

4.Kumain ng masusustansyang pagkain. Kahit na gaano karaming facemask ang bilhin mo at kahit ipaligo mo pa ang alcohol ay wala rin itong magagawa kung ang laman ng iyong katawan ay puro basurang pagkain. Manghihina ka pa rin. Makasilip lang ng konting pagkakataon ang virus para makapasok sa iyong katawan ay siguradong wala kang maipanglalaban. Kaya siguruhin mo na may panlaban ka rin sa loob ng iyong katawan at ito ay ang masusustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay.

5.Mag-isip ng positibo at magdasal. Napakahalagang sandata nito. Kung magpapanic ka lang at matutuliro, hindi ka makakapag-isip ng tama at puro maling desisyon ang iyong magagawa kaya kumalma dahil sa ganitong panahon mo higit na kailangan ang presence of mind.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here