Ang Pahayag Ni Pangulong Duterte Tungkol Sa Covid19

Narito ang nilalaman ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa lumalaganap na covid19.

Ang Covid19 alert ay itinaas ng pangulo sa code red sub-level 2. Inanunsyo niya na ang buong Metro Manila ay isasailalim sa community quarantine.

1.Ang class suspension sa lahat ng antas sa buong Metro Manila ay pinalawig hanggang sa Abril 12,2020.

2.Pagbabawal ng domestic air, sea at land travel, papasok at palabas ng Metro Manila mula Mula Marso 15 hanggang Abril 14 2020.

3. Flexible work arrangement sa mga private sector.

4.Skeletal work force para naman sa executive department.

5.Patuloy ang operasyon ng LRT, MRT AT PNR. Kailangan lang sundin ang social distancing.

*Barangay wide quarantine-  Kung may dalawang kaso ng covid19 mula sa magkaibang bahay.

*Municipality wide quarantine-  Kung may dalawang kaso ng covid19 mula sa magkaibang barangay.

*Province wide quarantine-  Kung may dalawang kaso ng covid19 mula sa magkaibang bayan o lungsod.

 Nilinaw ng pangulo na ito ay hindi isang martial law, kaya huwag matakot kung makakita man tayo ng mga sundalo at kapulisan sa ating lugar. Ito ay pag-iimplement lamang ng kautusan na para na rin sa ikakabuti ng lahat. Kailangan natin na makipagtulungan. Nagbigay din ng payo ang pangulo sa mga kabataan na matagal tagal ding walang pasok sa eskwela. Sinabi niya na huwag ng magpunta sa mga mataong lugar o magpagala-gala. Alam ng pangulo na marami sa mga kabataan ang hindi susunod subalit ipinakiusap niya sa mga ito na mag-aral pa rin sa kanilang bahay kahit na walang pasok. Huwag puro dutdot sa cellphone.Ipinayo rin ni Pangulong Duterte sa mga manufacturing, retail at service establishments na magpatuloy sa operasyon sa gitna ng community quarantine.

Bago pa ang pahayag ng pangulo ay nagsimula nang magpanic buying ang mga tao sa Metro Manila. Grabe ang pila sa mga supermarket. Talaga namang magdadalawang isip ka kung pipila ka pa ba o hindi na? Kahit na sabihin na hindi tayo dapat magpanic, hindi pa rin maiwasan ng karamihan dahil nag-aalala sila na maubusan sila ng mabibiling pagkain. Sa mga ganitong sitwasyon, mas makakabuti pa rin ang kumalma at mag-isip ng tamang diskarte upang makaligtas at malampasan ang ganitong senaryo sa ating buhay. Ang pinakamabisang sandata pa rin ay ang pagdarasal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here