Limang Seksing Bahagi Ng Katawan

Kapag sinabing seksi, anong bahagi ng katawan ang naiisip mo? Malamang ang unang papasok sa isip mo ay beywang at tiyan? Kapag balingkinitan ang katawan ay tinatawag agad nating seksi. Totoo naman. pero bukod dito, may iba pang bahagi ng ating katawan na maituturing na seksi. Narito ang lima sa mga ito.

1.Mata- Kapag tumingin ka sa mata ng isang tao sinasabing masasalamin mo kung anong uri ng pagkatao meron siya. Dahil ang mga mata raw ay window to the soul. At sa oras na ikaw ay makipagtitigan, malaki ang posibilidad na maakit ka.

2.Likod- Ang likuran ay isang sensitibong bahagi rin ng ating katawan na maituturing na seksi. Kapag ikaw ay napagod at hinagod ng masahe ang iyong likod, may kakaibang ginhawa kang mararamdaman.

3.Hita- No doubt na maraming tumitingin sa hita bilang isa sa seksing bahagi ng ating katawan. Yung tipong kahit na anong isuot mo, mapa-pants, skirt, short o bikini ay seksing seksi pa ring tingnan ang iyong hita.

4.Puwet- Kung marami ang naaakit sa cleavage ng isang suso, marami rin ang naaakit sa tambok ng pwet ng isang tao. Isa ito sa tinitingnan bilang pinakaseksing bahagi ng katawan.

5.Bibig- Kung ang mata ang sinasabing window to the soul, ang bibig naman ang sinasabing door to the heart. Sa oras na ikaw ay magkagat labi o binasa mo ang iyong labi, siguradong may kikiligin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here