Black Garlic

Ano ang ipinagkaiba ng black garlic sa karaniwang garlic na ating ginagamit sa kusina? Ang black garlic ay iba ang lasa sa regular garlic. Ang lasa nito ay lasang caramel na may konting pait. Bukod sa kakaibang lasa ay meron din itong kakaibang aroma. Kung ito ay bibilhin, may kamahalan ito kaysa sa ordinaryong bawang.

Gayunpaman, ito ay nagtataglay ng mataas na antioxidants. Taglay din nito ang calories, protein, fiber, iron, vitamin C and calcium. Ito ay pwede nating kainin nang hindi inilalagay sa anumang ibang pagkain. pero pwede rin naman na isama sa tinapay, soup, sa mga sauces, or pwede ring ihalo sa mayonnaise o kaya ay ipahid sa manok at isda na iyong lulutuin.

Sinasabing ang antioxidants na taglay ng black garlic ay nakapagpapa-delayed ng pagtanda ng isang tao. Noong araw pa man ay napapakinabangan na ang black garlic bilang medicinal herbs. Antibiotic, anti-parasitic and other health problems. Pwede mong i-stock ang black garlic sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan sa ref.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here