Mga Dapat Gawin Para Hindi Mainip Sa Bahay

Dahil sa lumalaganap ngayong covid19 kaya naman ang mga tao hangga’t maaari ay ayaw ng lumabas. Maliban na lamang sa mga walang pagpipilian dahil kailangan nilang lumabas para magtarbaho. Kung hindi nila ito gagawin ay tiyak na magugutom ang kanilang pamilya. Subalit ang karamihan ay mas pipiliin pa rin na manatili na lang muna sa loob ng kanilang tahanan hangga’t mainit pa ang balita sa pagkalat ng kinatatakutang virus. Isa itong seryosong sitwasyon na hindi dapat ipagwalang bahala ng lahat. Para naman sa mga hindi sanay na magstay ng medyo matagal sa loob ng tahanan, narito ang ilang tips na makakatulong upang hindi mainip sa loob ng bahay.

Mag general cleaning- Kadalasan, ito ang pinakamahirap at pinakabihirang  gawin ng isang tao na palaging abala sa kanyang trabaho. Wala siyang panahon na maglinis ng buong kabahayan. Kung may nalilinis man siya ay ilang parte lamang ng bahay. Subalit sa mga ganitong pagkakataon na magkakaroon siya ng panahon sa bahay ay magandang timing ito para bigyang pansin ang paglilinis ng buong kabahayan. Kung minsan may mga hinahanap tayong bagay na nakikita natin kapag tayo ay nag-general cleaning.

Maging creative- Pwede ka rin namang maging creative kung ikaw ay walang maisip gawin. Pairalin mo ang iyong artistic side halimbawa ay sa pagpipinta, pagluluto, pagbe-bake, o kaya ay pagbuburda, pananahi at iba pang gawain. Ang mga pinagkakaabalahan mong ito ay makakatulong din sa’yo pagdating ng oras.

Magtanim ng halaman- Ang pagtatanim ng halaman ay pwede mo ring maging opsyon para ikaw malibang. At the same time ay napapaganda mo pa ang iyong paligid. Nakakatulong din ang paghahalaman sa pagrerelease ng stress at mga negatibong enerhiya.

Magsulat ng kanta at tula- Ang pagsusulat ng kanta o kaya ay paglikha ng tula ay isang magandang gawain din habang ikaw ay nasa loob ng tahanan. Maaari kang gumawa ng kanta at tula na may kinalaman sa kasalukuyan mong pinagdaraanan o ang mismong pinagdaraanan ng bansa. Anong malay mo, baka mapasikat mo pa ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here