Pag-ingatan Ang Kalusugan Sa Lahat Ng Oras.

Sa dami ng mga sakit na maaaring dumapo sa ating katawan kabilang na ang kumakalat na virus ngayon, hindi natin maiiwasan na mangamba para sa ating kalusugan. Hindi natin ito pwedeng ipagsawalang bahala dahil nakasalalay dito ang ating buhay at kamatayan.

Sa sobrang kaabalahan natin sa iba’t-ibang mga bagay lalo na sa trabaho kaya kadalasan ay naisasantabi natin ang tamang pangangalaga sa ating kalusugan. Dahil dito ay mas nagiging prone tayo sa mga sakit.

Dapat ay maging prayoridad din natin sa ating buhay ang ating kalusugan. Isama natin ito sa ating daily routine. Yung inaakala nating simpleng paghuhugas ng kamay, pag-eehersisyo, pagkain ng gulay at prutas, ito ay may malaking tulong na sa ating kalusugan.

Kung meron tayong kakaibang naramdaman sa ating katawan, dapat ay magpacheck up agad at huwag nang hintayin na lumala pa. Kung hindi naman natin nagawang iwasan ang sakit at taglay na natin ito, dapat magkaroon din tayo ng responsibilidad na umiwas sa ibang tao lalo na sa mga mahal natin sa buhay upang hindi na makahawa pa.

Marapat lamang na maging gawi o ugaliin na natin ang pangangalaga sa ating kalusugan hanggang sa atin itong makasanayan, nang sa gayon ay mahirapan ang sakit na dumapo sa atin. Matuto na lang din tayo na umiwas sa mga tao na merong sakit lalo na iyong mga nakakahawa. Hindi natin alam kung hanggang saan ang buhay natin kaya habang nandito pa tayo sa mundo at may pagkakataon pa, gawin na natin ang lahat para mapag-ingatan ang ating mga sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here