Covid 19, Dumarami Ang Kaso Sa Pilipinas

Mula sa isa, naging tatlo, anim, hanggang naging sampu at sa loob lamang ng isang araw ay nadagdagan pa ng sampu ulit ang kaso ng nagpositibo sa covid 19 sa ating bansa. Nakakapanlumo ang ganitong klaseng balita. Sa mga sandaling ito ay nasa dalawampu na ang biktima ng corona virus disease ayon mismo sa DOH (Department Of Health). Bagamat hindi pa kumpleto ang impormasyon na nailabas ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng covid 19, ay dapat pa rin tayong maging aware at dapat din nating malaman ang bawat detalye ng balitang kanilang ilalabas kaugnay nito. Ang sampung bagong kaso ay Pilipino lahat. Sa kaso ng sampung ito ay merong may travel history sa mga bansang apektado gaya ng Taiwan, UAE,Japan at Australia. Pero hindi lamang nanggagaling sa ibang bansa kundi maging ang narito lamang at hindi lumabas ng bansa. Meron din naman na nagkaroon ng exposure sa may taglay na nito.

Kaya sadyang nakakaalarma dahil kahit sino, kahit saan, ay pwedeng tamaan ng virus na ito. Parang wala ng ligtas na lugar. Ang mga nagpositibo ay naka-confine ngayon sa iba’t-ibang ospital, gaya ng Makati Medical Center, Unihealth Parañaque Hospital, The Medical City, Tri City Medical Center at Research Institute for Tropical Medicine. Kaugnay nito ay sinabi naman ni ASEC Maria Rosario Vergeire na hindi lahat ng magkakasakit ay kailangang dalhin sa RITM dahil bago na ang kanilang strategy bunsod ng local transmission. Kaya naman tayong lahat ay dapat na maging responsable para hindi na kumalat pa ang virus. Dapat lahat tayo ay alam ang responsibilidad natin sa isa’t-isa. Dapat tayong maging maingat at alerto sa lahat ng detalye kaugnay ng kinakaharap nating ito. Iwasan din ang sobrang pagpapanic dahil hindi ito makakatulong sa paghahanap ng solusyon. Ang kailangan natin ay ang pagtutulungan, pagkakaisa at pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here