Benepisyo Ng Pagpapaligaya Sa Sarili

Kung ikaw ay single o kaya ay wala ng asawa, hindi nakakapagtaka kung paminsan minsan ay paligayahin mo ang iyong sarili nang mag-isa. Wala namang masama roon. Hindi lang kasi maiwasan na may mga tao na after magmasturbate ay nakakaramdam ng guilt na hindi nila dapat iyon ginawa. Meron silang dahilan, maaaring ito ay labag sa kanilang kinagisnan na kultura at relihiyon. Maaari rin na nahihiya sila sa kanilang sarili. Nagiging masama lang ito kung kinakaadikan na dahil pwede itong makaapekto sa mga gawain na mas dapat unahin.

Pero ang pagpapaligaya sa sarili ay may mabuti ring epekto. Ito ay ang mga sumusunod;

1.Nagiging mas magaan at mahimbing ang iyong pagtulog. Kaya kung ikaw ay hindi makatulog, subukan mo itong gawin upang maging maayos ang iyong pagtulog.

2.Nakakapagpaganda ng mood. Kung medyo iritable naman ang iyong pakiramdam ay makakatulong din ito sa’yo para umaliwalas ang mood mo.

3.Nakakadama ng personal na kasiyahang hindi maipaliwanag. Kahit ikaw sa sarili mo ay hindi mo maitatanggi ang labis na kasiyahang idudulot nito sa’yo.

4.Nakakatulong kahit papa’no na mawala ang pananakit ng mga kalamnan. Matapos mo itong gawin ay mararamdaman mo na ang iyong mga kalamnan ay tila gumiginhawa na.

5.Nakakapag-alis ng sexual tension. Kung nakakaramdam ka naman ng tensyon sa pakikipagtalik mo sa iyong kapareha ay gawin mo ito nang mag-isa at makikita mo ang improvement mo sa iyong sexual activity.

Ilan lamang ang mga ito sa mga benepisyong maaaring makuha ng isang tao sa pagpapaligaya sa kanyang sarili. Isa lang itong normal na gawain na may mabuti ring idudulot. Pero laging pakatandaan na ang lahat ng sobra ay masama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here