Summer Na, Game Na Ba Kayo?

Heto na at unti-unti na nating nararamdaman ang papalapit na summer. Nakaka-excite na ang mga susunod na buwan lalo na sa mga mahihilig sa dagat, pool at mga fashionista. Kung may naitatabi kang outfit for summer ay ilabas mo na. Pwede naman lagyan ng bagong design para magmukhang bago. Kung naipamigay mo o hindi na kasya, marami ka namang mabibiling mura na magaganda. Be creative lang sa lahat ng gagamitin mo ngayong summer.

Ihanda na ang shades, tsinelas, sandals, bathing suits, swimming trunks at iba pa bago sumapit ang iyong outing sched. Pero hindi lang mga gagamitin sa iyong adventure ang dapat mong i-ready, mapa swimming man ito o mountain climbing, dapat mag-isip ka na rin ng unique summer recipe na maipapatikim mo sa iyong mga friendship. Yung tipong hindi lang tiyan nila ang kakalma kundi maging ang puso’t isipan nila.

Ooops, teka muna, e ang iyong body, ready na rin ba? Dapat fit and healthy ka. Hindi ka makakasabak sa iyong summer adventure kung hindi naka-ready ang iyong katawan. Make sure na kakasya pa rin ang mga inihanda mong summer ootd. Mind and body ready dapat para walang makahadlang sa iyong kasiyahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here