Fresh Graduate Ka Ba?

It’s March again. Meaning, graduation month na naman. Madadadagdagan na naman ang mga naghahanap ng trabaho. Ayon sa record ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay bumaba ang bilang ng mga walang trabaho. Sa kasalukuyan ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay P 537.00. Maraming kumpanya ang mayroong job opening. Ngunit higit na doble ang bilang ng mga naghahanap ng trabaho.

Maraming programa ang gobyerno para dito, kabilang na ang kaliwa’t kanang job caravan. Maaari na rin na maghanap ng trabaho sa pamamagitan ng online application. Marami nang website para sa mga job seekers. Angkop ba ang natapos mong kurso para sa nais mong trabaho? Base sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan  ng Bureau of Local Employment (BLE) ay narito ang top 10 highest paying jobs sa ating bansa.

10. Statisticians

9.   Production Supervisors & Foremen

8.   Accountants and Auditors

7.   Computer Engineers

6.   System Analysts and Designers

5.   Computer Programmers

4.   Actuaries

3.   Civil Engineers

2.   Securities and Finance Dealers and Brokers

1.   Aircraft Pilots, Navigators, and Flight Engineers

Hindi man angkop ang iyong kursong kinuha sa nabangit na mga trabaho ay lagi nating pakakatandaan na kapag nakapagtapos ng pag-aaral ay maraming oportunidad ang naghihintay. Isang matinding diskarte ang kailangan upang makasunod tayo  sa agos ng buhay. At kung ikaw man ay isang fresh graduate,  laging pakaisipin na huwag maghangad ng mataas na sahod. Masarap din sa pakiramdam ang magsimula sa ibaba at unti-unting nagtatagumpay dahil sa pagsisikap.

Marami na din ang sumubok ng kanilang karera sa industriya ng Business Processing Outsourcing (BPO) dahil isa ito sa in-demand na trabaho sa ating bansa. Huwag madaliin ang promotion kung ikaw man ay nagsisimula na sa isang opisina. Bagkus ay gawin itong motivation. Para sa mga millennial na pakiwari nila ay alam na nila ang lahat. Igalang at irespeto ang mga empleyadong inyong maabutan sa inyong pagtatrabahuhan. Marami diyan ang sampung taon o higit ng nagtatrabaho. Huwag iparamdam na mas advance ang inyong nalalaman when it comes to computer matter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here