Sex Without Love

Bakit nga ba may mga tao na mas pinipili ang sex without love? Mapa-babae man o lalaki ay hindi maitatanggi na marami ang nagpapadala sa tawag ng kanilang laman. Kadalasan ang dahilan din ay pera. Sanhi nga ba ay kahirapan o sadyang mahina lang sa kamunduhan?

May relasyon na kung tawagin ay friends with benefits. Kung saan kayong magkaibigan ay maaaring magkatikiman o magkasama sa kama subalit walang pananagutan sa isa’t-isa. Ibig sabihin ay walang commitment. Hindi pwedeng magselos, hindi pwedeng magdemand dahil out of love ang namamagitan sa inyo.

Meron din naman na nakikipagtalik sa hindi nila tunay na kapareha, hindi girlfriend at hindi asawa kundi dala lamang ng kalasingan. Kung minsan ay dahil sa makamundong pagnanasa ng ibang tao tulad ng sapilitang pakikipagtalik. Ang ganitong uri ng sex out of love ay hindi katanggap tanggap.

Dapat nating maintindihan na ang pakikipagtalik ay isang sagradong gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan sa ilalim ng sakramento ng kasal. O kung hindi man kasal, ito ay dapat nasa ilalim ng isang tunay na pag-ibig. Kung ito ay gagawin without love ay walang saysay ang pagtatalik na ito at masasabi lamang na isang pampalipas oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here