Chinese Horoscope; Marso 5

DAGA (RAT)

May mga biyayang matatanggap mula sa hindi kilalang tao. Sa halip na maglabas ng maraming tanong tungkol dito ay mas pipiliin mo na lang na manahimik at magpasalamat sa mga biyayang ito na para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 12,23,34,36

BAKA (OX)

Magmumuntikanan ka ng mapaoo sa isang deal na walang kasiguraduhan. Mabuti na lang at may isang tao na tutulong sa’yo para agad kang malinawan bago ka mahulog sa isang patibong nang hindi mo namamalayan.

Masuwerteng numero; 40,41,52,56

TIGRE (TIGER)

Kakailanganin mong pagbigyan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang kahilingan. Bagamat hindi siya malapit sa’yo ay marami naman siyang nagawang tulong sa iba nyo pang kapamilya kaya ito na lang ang titingnan mo.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Madalas na ikaw ang siyang nasusunod sa inyong grupo. Subalit sa pagkakataong ito ay may mag-oobject sa nais mong mangyari. Hindi naman masama kung paminsan minsan ay makikinig sa mga opinyon ng iba.

Masuwerteng numero; 5,7,13,14

DRAGON (DRAGON)

Yung inaakala mong hidwaan na nawakasan na, ngayon ay mapapatunayan mo na hindi pa pala tapos. May karugtong pa ito dahil ang kabilang kampo ay wala pa ring katahimikan. Pero wala ka ng balak na pumatol dahil at peace ka na.

Masuwerteng numero; 48,54,60,63

AHAS (SNAKE)

Panahon na para tuluyan mo nang isara ang isang hindi magandang kabanata ng iyong buhay. Huwag mo nang lingunin ang mga hindi magandang karanasan. Subalit hindi mo dapat kalimutan ang mga aral na napulot mo mula rito.

Masuwerteng numero; 11,12,15,16

KABAYO (HORSE)

Isang post sa social media ang magpapainit ng ulo mo. Pero hindi nito magagawang sirain ang buong araw mo dahil bago matapos ang maghapon ay meron namang tao na darating na siyang magpapaganda ng mood mo.

Masuwerteng numero; 17,18,22,33

TUPA (SHEEP)

Hindi mo matatapos ang gawain na inaasahan mong matatapos ngayon. May iba pa kasing bagay ang aagaw ng atensyon mo at ito ang siyang mas mapag-uukulan mo ng pansin kaya ang mga hindi natapos ay maipagpapabukas mo na lang.

Masuwerteng numero; 50,53,64,67

UNGGOY (MONKEY)

Kaliwa’t kanan ang matatanggap mong imbitasyon ngayong araw. Lahat ay tatanguan mo pero sa huli ay mare-realize mo rin na baka hindi kayanin ng schedule mo ang lahat ng tinanggap mong imbitasyon kaya kakailanganin mong mamili lang sa mga ito.

Masuwerteng numero; 67,78,79,80

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang manimbang sa dalawang tao na parehong mahalaga sa’yo. Hindi mo maitatanggi na ang kanilang hidwaan ay palala na nang palala at bawat oras na lumilipas ay ikaw ang siyang naiipit sa sitwasyon.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

ASO (DOG)

Gustuhin mo man na ipagsigawan sa buong mundo ang tao na minamahal mo ay hindi mo maaaring gawin. Meron kang mga tao na masasagasaan at masasaktan sa oras na gawin mo ito kaya naman pipiliin mo na lang na manahimik.

Masuwerteng numero; 20,30,31,35

BABOY (PIG)

Magiging smooth sailing ang araw na ito para sa’yo. Isang magandang araw para makapagrelax. Magkakaroon ka ngayon ng pagkakaton na magmuni-muni sa mga bagay na hindi malinaw sa’yo at gayundin sa mga ginawa mo nitong mga nakaraang araw.

Masuwerteng numero; 17,29,30,31

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here