Depression, Sanhi Ng Panghohostage

Bakit nga ba nagagawang manghostage ng isang tao? O kahit pa sila ay grupo tulad ng mga nanghohold-up sa banko. Unahin muna natin ang mga grupo ng mga masasamang loob na pumapasok sa isang banko para kunin lahat ang pera nila. Sa oras na sila ay ma-trap sa loob kasama ng iba pa dahil agad nakaresponde ang mga pulis, wala silang ibang choice kundi ang gawing hostage ang mga nasa loob ng banko para sila ay makatakas. Depress na sila na malusutan ang kanilang ginawa kaya manghohostage na lang sila. Pero ano nga ba ang dahilan ng bawat isa sa kanila kung bakit sila napasabak sa ganoong gawain? Maaaring iba-iba sila ng problemang kinakaharap, pero iisa ang sanhi kung bakit sila napunta sa iisang sitwasyon. Ito ay ang depresyon. Wala na silang maisip na ibang paraan o mas madaling paraan para magkapera. Kung minsan nga hindi lang ito tungkol sa pera. May iba pa silang pinagdaraanan sa likod ng pangangailangan nila sa pera na siyang nagtitrigger sa kanila na mapasailalim sa kanilang depression at makagawa ng mga hindi katanggap tanggap na gawain.

Kung isang indibidwal naman ang nanghostage, ibig sabihin ay meron siyang hinaing sa buhay na gustong gusto niyang magkaroon ng solusyon. Nais niyang maipaabot ang kanyang mensahe sa kinauukulan. Ang panghohostage ang naisip niyang paraan para siya ay mapakinggan. Oo, syempre ay may iba pang solusyon na pwede niyang gawin, pero bakit panghohostage pa ang naisip niya? Dahil siya ay dumaranas ng depresyon. Yung pakiramdam  niya ay walang makikinig sa kanya kung hindi niya ito gagawin. Yung pakiramdam niya ay wala na siyang halaga sa ibang tao at masyadong minemenos ang kanyang pagkatao. Tulad ng mga depress na humahantong sa pagpapakamatay, alam na rin ng isang hostage taker na dalawa lang ang pwede niyang kahantungan, kulungan o sementeryo. Sa kabila ng maraming option para masolusyunan ang problema ay hindi na ito naiisip ng hostage taker. Dahil siya ay nasa ilalim na ng kanyang depresyon. Nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang sarili. Sa ganitong sitwasyon ay kailangang kailangan niya ng tao na makapagpapakalma sa kanyang damdamin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here