Chinese Horoscope; Marso 4

DAGA (RAT)

Walang makakapigil sa’yo sa nais mong mangyari ngayong araw. Kahit na ano o sino pa ang pumigil sa’yo ay pipilitin mo pa rin na mabigyang katuparan ang iyong matagal ng plano. Naniniwala kang para ito sa ikakabuti ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 10,15,23,25

BAKA (OX)

Magugulat ka dahil yung inaakala mo na labis na sakit na iyong mararamdaman sa paglayo sa’yo ng isang tao ay hindi mo pala iindahin. Ni katiting na kalungkutan ay wala kang madarama. Ngayon mo mapapatunayan ang tunay mong saloobin sa kanya.

Masuwerteng numero; 18,19,22,27

TIGRE (TIGER)

Hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong pagpapasya para sa inyong relasyon. Para sa’yo ay panahon na para bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo. Sapat na ang pagmamahal at pang-unawa na naibigay mo sa kanya na hindi niya pinahalagahan.

Masuwerteng numero; 35,45,46,49

KUNERO (RABBIT)

Magiging maayos ang pag-uusap nyo ng isang bagong kliyente. Bagamat hindi mo pa tuluyang maisasara ang isang deal ay malaki ang pag-asa na maisara mo ito sa nalalapit na araw sa oras na matugunan mo ang mga hinihingi niyang dokumento.

Masuwerteng numero; 7,8,10,11

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang madidiin sa kasalanan na ginawa ng iba dahil hindi ka nag-ingat. Ang padalos dalos mong pagdedesisyon ang maglalagay sa’yo sa hindi magandang sitwasyon. Kakailanganin mo ang buong suporta ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 17,20,26,30

AHAS (SNAKE)

Magiging maaliwalas ngayon ang araw mo hindi dahil sa ibang tao kundi dahil na rin sa sarili mo. Mas pipiliin mo kasi na maging masaya kaysa pagmukmukan ang isang problemang hindi mo pa nahahanapan ng solusyon.

Masuwerteng numero; 15,16,20,25

KABAYO (HORSE)

May magaganap na reconciliation sa pagitan nyo ng isang kamag-anak na dati mong nakaalitan. Matagal na ang naganap na hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa inyo kaya panahon na para sa pagtanggap at pagpapatawad.

Masuwerteng numero; 1,3,5,7

TUPA (SHEEP)

Kahit pa anong tago at pagtatakip mo sa sariling damdamin ay lalabas at lalabas ang iyong tunay na nararamadaman sa isang tao na madalas mong makasama ngayon. Hindi mo na maitatanggi pa ang pagtatangi mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 55,58,65,69

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan at mapupuyat pero hindi susuko. Iyan ngayon ang motto mo sa pagtupad sa iyong tungkulin sa trabaho. Pakiramdam mo ay sobra sobra ang blessings na ibinibigay sa’yo ni Lord ngayon kaya dapat mo lang itong tumbasan ng kasipagan.

Masuwerteng numero; 71,73,80,88

TANDANG (ROOSTER)

Mananahimik ka ngayon sa bahay. Kahit may nakaplano kang lakad ay wala ka sa mood para lumabas. Mas pipiliin mo na igugol ang maghapon mo sa loob ng inyong tahanan kasama ang iyong pamilya. Magrerelax hanggang gabi.

Masuwerteng numero; 13,14,27,28

ASO (DOG)

Isang pangyayari ngayon ang nakatakdang maganap sa pagitan nyo ng isang kaibigan. Ito ang magiging dahilan ng paglabo ng inyong relasyon bilang magkaibigan.Sa ngayon ay wala kang maiisip na paraan para maayos ito.

Masuwerteng numero; 18,20,33,34

BABOY (PIG)

May bagong miyembro ng pamilya ang iwewelcome nyo ngayon sa inyong tahanan. Ang kanyang pagdating ang siyang magbibigay ng bagong pag-asa sa inyong buhay. Magiging masaya at positibo ang maghapong ito.

Masuwerteng numero; 16,19,20,21

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here