7 Signs na ang Manliligaw Mo ay Nanliligaw ng Iba

Konti na lang at sasagutin mo na talaga siya. Wala ka nang mahahanap pa na iba siguro sa isang lalakeng charming, gwapo, sweet at lovable, pero may problema… mukhang niloloko ka niya! Read on.

Ano ang dapat mong gawin kung hindi mo alam ang intensyon niya sayo? Kung nararamdaman mo na hindi mo siya totally mapagkatiwalaan, baka nga may mga bagay kang hindi pa nakikita sa kanya. Pero huwag ka muna mag-conclude nang hindi ka pa sigurado. Mas maganda na malaman mo muna ang lahat ng intensyon niya. Kung tinatanong mo ngayon kung meron bang formula pagdating sa pagmamahal ng totoo ang maisasagot ko lang ay wala, pero basahin mo ang article na ito para makita mo ang signs na may iba pa siyang nagugustuhan pwera sayo.

1. Sweet siya sayo pero hindi niya inaamin ang buong nararamdaman niya sayo

Lagi ka nakakatanggap ng sweet messages mula sa kanya pero ramdam mo na parang may kulang at hindi kumpleto sa mga sinasabi niya sayo. Parang sobrang too good to be true, ika nga nila.

2. Kapag magkasama kayo, lagi siyang gumagamit ng cellphone at may ka-chat na iba

Hindi siya naglalaro ng mga games sa cellphone niya kundi may mga ka-chat siya na mapapansin mo. Lagi siyang nakatawa at tinatago niya ang cellphone screen niya sa paningin mo. Isa itong sign to watch out for.

3. Lagi siya nagku-kwento tungkol sa ibang babae na kasama niya palagi

Mayroon siyang babaeng laging nababanggit sayo na kahit anong topic niyo ay naisisingit niya ito.

4. Ramdam mo sa actions niya na hindi lang siya sayo sweet

Pagdating sa ibang babae, sweet siya at touchy din siya na tao. Kailangan ay maging observant ka dito kasi nakakalito ito pagdating sa isang lalake. May mga lalake kasi na reserved sila pagdating sa mga babaeng gusto nila, so baka ganun din siya sayo. Baka nahihiya din siya pagdating sayo.

5. Makikita mo online ang mga kinakausap niyang ibang babae sa mga comments section

Makikita mo behavior niya online kung paano siya makipag usap sa ibang babae. You have to be careful here, because you might end up judging him too. Pero maganda na rin na maging aware ka sa actions niya dahil may mga lalake na sobrang close sa iba na hindi mo na alam kung seryoso pa ba siya sayo.

6. Alam mo sa sarili mo na hindi mo pa siya mapagkakatiwalaan

Hindi mo pa siya mabigyan ng full trust mo dahil sa actions din niya towards you. Kailangan kausapin mo na rin siya once and for all para malaman mo ang intentions niya sayo. Kapag kasi puro paasa lang din ang ginawa niya, kailangan mo maipaalam sa kanya na hindi ka nakikipaglaro.

7. Hindi siya honest sayo sa lahat ng ginagawa niya

Marami siyang bagay na hindi kinukwento sayo. Kailangan mo pang tanungin ang isang bagay para lang sabihin niya ito sayo. Kapag ganito ang sitwasyon, be honest with him sa nararamdaman mo para malaman din niya na hindi okay sayo ang ginagawa niya. Kung seryoso siya sa pangliligaw sayo, kailangan ay honest siya sayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here