May Rason Nga Ba Ang Pangangaliwa?

Babae man o lalaki, meron nga bang rason na makapagbibigay hustisya sa pangangaliwa? Ang mga lalaki ang ginagawa nilang rason ay dahil sa mga hindi magandang pag-uugali ng kanilang kapareha, like bungangera, tamad, losyang at kung anu-ano pang kapintasan . Ang mga babae naman ay dahil sa hindi natutugunan ng kanilang karelasyon ang mga pangangailangan nila at maaaring  may nakita rin silang hindi magandang attitude.

Pwede rin na ang maging dahilan ng pangangaliwa ay pagganti sa kanyang kapareha na nanakit sa kanya, physically at emotionally. At pwede rin na wala talagang dahilan kundi ginusto lang. May tao kasi na sadyang hindi nakukuntento sa isa lamang na pinili niyang mahalin. O sa dilang kalye kung tawagin ay makati. Pero anupaman ang mga maging dahilan, sapat na nga ba ito upang mabigyang hustisya ang pangangaliwa ng isang tao sa kanyang kabiyak?

Walang tamang dahilan ang makapagbibigay ng justice para sa isang pangangaliwa. Anuman ang rason mo ay hindi ito sapat para talikuran mo ang taong nagmamahal sa’yo para sa ibang babae o lalaki. Unless kung kayo ay hiwalay na o siya ay namatay na. Subalit hangga’t kayo ay nasa isang relasyon pa, wala kang pwedeng idahilan para siya ay pagtaksilan. Kung may chance pa na maayos ang inyong pagsasama ay ito ang dapat mong gawin. Sa kanya ka magfocus at iwasang tumakbo o sumandal sa ibang tao lalo na sa tao na pwedeng maging third party sa inyo.

Kadalasan kasi ang pagiging malapit sa iba ang siyang nagiging dahilan din para mawala ang pagmamahal mo sa tao na kasalukuyan mong kasama sa buhay. Once na kunsintihin mo ang isang bagong damdamin na pausbong pa lang, mahihirapan ka nang pigilan ito sa pag grow kaya ang gagawin mo na lang ay ang mag-isip ng mga dahilan kung bakit mo ito nagawa para maging katanggap tanggap sa paningin ng iba.

Pero hindi sa paningin ng Diyos Ama. Kung sadyang wala ka ng pagmamahal sa karelasyon mo ay mas makakabuting maging tapat ka na lang sa kanya at makipaghiwalay sa pinakamaayos na paraan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here