Chinese Horoscope; Marso 3

DAGA (RAT)

Makakaranas ka ngayon ng kalungkutan na mahirap ipaliwanag. May mamimiss ka kasing tao na kailanman ay hindi mo na makikita. Hindi mo makokontrol ang emosyon mo sa araw na ito na maski ikaw ay hindi mo alam kung bakit.

Masuwerteng numero; 34,37,42,44

BAKA (OX)

Payapa ang buong araw na lilipas. Ang maghapon mo ay magsisimula at matatapos sa mga simpleng bagay at parehong routine na ginagawa mo araw-araw. Mas gugustuhin mo na ito kaysa sa makulay ngunit stressful ding araw.

Masuwerteng numero; 44,46,56,59

TIGRE (TIGER)

May magagawa kang hindi magugustuhan ng iyong kapareha. Hindi mo agad malalaman ang sentimyento niya tungkol dito dahil likas siyang tahimik na tao at hindi palaimik. Pero mapipilitan din siyang i-open ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,17,19,22

KUNEHO (RABBIT)

Ang pagbabakasakali mo ang siyang magbibigay sa’yo ng pagkakataon na mabuksan ang isang oportunidad. Matagal na itong nakalaan sa’yo subalit hindi mo lang ito napapansin. Ngayon na ang tamang panahon.

Masuwerteng numero; 24,25,30,31

DRAGON (DRAGON)

Magaan ang magiging pasok ng pananalapi sa araw na ito. Ang dahilan ay ang iyong pagiging positibo at mapagbigay sa kabila ng pinagdaanang kagipitan.Kaya naman kalulugdan ka ng langit at ibibgay sa’yo ang nararapat.

Masuwerteng numero; 15,16,19,20

AHAS (SNAKE)

Magagawa mong iwasan ang isang tao kung paninindigan mo ang iyong pasya. Pero hangga’t nananatili kang nakakapit sa kanya at iniisip ang maganda nyong pinagsamahan ay hindi ka magkakaroon ng chance na makalaya.

Masuwerteng numero; 78,88,90,91

KABAYO (HORSE)

Isang bagong kaibigan ang darating ngayon sa iyong buhay. Siya ang tipo ng kaibigan na hindi pinakakawalan. Mararamdaman mo ang gaan ng loob sa kanya kaya naman gugustuhin mo na palagi siyang makasama.

Masuwerteng numero; 13,14,24,25

TUPA (SHEEP)

Isang kamag-anak ang kokontak sa’yo ngayon para humingi ng tulong. Mata-trap ka sa pagitan ng kagustuhan mong makatulong at sa inis na nararamdaman mo sa kanya dahil sa mga hindi magandang bagay na patuloy niyang ginagawa.

Masuwerteng numero; 10,11,12,14

UNGGOY (MONKEY)

Bida ka sa inyong pamilya. Mataas ang pagtingin at respeto nila sa’yo dahil sa maganda mong attitude sa kanila at sa maganda mo ring trabaho. Tunay ka nilang ipinagmamalaki at patuloy na ipagmamalaki sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 7,9,10,12

TANDANG (ROOSTER)

Kahit na anong ingat mo na makapagbitaw ng hindi magandang salita sa tao na iyong  kinabubuwisitan ay hindi mo pa rin mapipigilan. Lalabas at lalabas mula sa iyong bibig ang tunay na nilalaman ng damdamin mo para sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,7,18,19

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan partikular sa ulo at balakang. Kailangan mong ugaliin na magpacheck up dahil ikaw ay sadyang lapitin ng mga sakit. Dobleng pag-iingat at disiplina sa katawan ang kailangan.

Masuwerteng numero; 32,33,37,42

BABOY (PIG)

Hindi magiging maganda ang mood mo sa umaga subalit bago matapos ang maghapong ito ay may darating din na tao na makakapagpabago ng mood mo. Hanggang sa gabi ay babaunin mo ang ngiti sa’yong mga labi.

Masuwerteng numero; 41,54,60,66

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here