Chinese Horoscope; Marso 2

DAGA (RAT)

May lalapit sa’yo para humingi ng pabor. Hindi siya gaanong malapit sa’yo pero magaan ang loob mo sa kanya kaya pagbibigyan mo siya. Ito na ang simula na magiging malapit kayo sa isa’t-isa sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 34,36,40,41

BAKA (OX)

Wala kang dapat ipag-alala sa tao na nagkakagusto sa iyong mahal. Ang kanyang paghanga ay hanggang doon na lang. wala siyang intensyon na agawin ito sa’yo dahil alam naman niya na hindi ka niya pwedeng kalabanin.

Masuwerteng numero; 5,15,20,24

TIGRE (TIGER)

Ang paghanga mo sa isang tao ay papalaki nang papalaki habang tumatagal. Hindi mo Mamamalayan na magugustuhan mo siya nang higit pa sa iyong inaasahan. Masyadong malakas ang kanyang charm para makontrol mo ang lihim mong pagtingin sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,18,23,26

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang araw mo kasama ang mga kaibigan. Ang biglaan ninyong lakad ay magdudulot ng kakaibang saya sa bawat isa sa inyo. Kung minsan mas mabuti talaga ang hindi planado dahil mas nagiging makabuluhan ito.

Masuwerteng numero; 40,45,47,53

DRAGON (DRAGON)

Isang kasamahan sa trabaho ang magrereklamo sa’yo. Hindi siya masisiyahan sa iyong trabaho kaya sa anumang paraan ay pipilitin niya na sundin mo ang tamang proseso. Hindi mo ito dapat ikasama ng loob dahil para sa’yo rin ang kanyang concern.

Masuwerteng numero; 14,15,20,26

AHAS (SNAKE)

Labis mong ipagdaramdam sa araw na ito ang pagtatraydor sa’yo ng isang tao na pinagkakatiwalaan mo ng lubos. Pero bago mo pakawalan ang iyong galit ay siguraduhin mo muna na tama ang lahat ng nakarating sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,11,17,19

KABAYO (HORSE)

Ikakalungkot mo ang pagpanaw ng isang tao na hindi naman malapit sa’yo. Ang dahilan ay makakarelate ka sa kanyang pinagdaanang hirap. Magabbalik sa iyong alaala ang mga pasakit na pinagdaanan mo noon.

Masuwerteng numero; 42,43,50,54

TUPA (SHEEP)

Magagawa mong talikuran ang taong mahal mo alang-alang sa katahimikan at kapanatagan ng loob na hinahanap mo. Masyado ng maraming stress ang naibigay niya sa’yo at kung madadagdagan pa ay hindi mo na kakayanin.

Masuwerteng numero; 17,28,30,31

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang makakapagsabi kung ano ang dapat na maging tingin sa’yo ng ibang tao. Alam mo na kung ano ang tama at mali. Kung ilalagay mo lagi ang sarili mo sa tamang lugar ay makukuha mo ang respeto at paghanga mula sa kanila.

Masuwerteng numero; 34,35,46,48

TANDANG (ROOSTER)

Malalagay ka sa alanganing sitwasyon kung ipipilit mo ang nais mong mangyari. Bigyan mo ng pagkakataon ang iba na magdesisyon para sa kanila upang maging patas kayo sa bawat isa at walang mangyaring silipan.

Masuwerteng numero; 28,30,42,57

ASO (DOG)

Isang malapit na kaibigan ang malalayo sa’yo ngayon. Hindi mo maiiwasan na makadama ng lungkot dahil masyado kayong attached sa isa’t-isa pero wala kang magagawa kundi hayaan siya para sa kanyang pamilya.

Masuwerteng numero; 18,28,30,31

BABOY (PIG)

Mabilis ang magiging pangyayari ngayong araw. Hindi mo magagawang iwasan ang problemang hatid ng ibang tao sa inyong buhay. Ang pangyayaring ito ay labis na makakaapekto sa inyong pamilya at maging sa kanila.

Masuwerteng numero; 5,8,9,15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here