Green Tea Mask

Ang alam lang nating gawin sa green tea ay inumin lang ito subalit hindi natin alam na malaki pala ang maitutulong ng green tea para sa skin natin. Hindi lang ito iniinom ngunit ginagawa din itong face mask sa napaka simpleng paraan. Ang green tea face mask ay kino control nito ang production ng excess oil sa balance. Hindi lang gaganda ang kutis mo, tinatanggal din nito ang acne breakouts. Sa paggamit sa method na ito, surely, hindi lang maganda ang gising mo, kundi makakaramdam ka rin ng fresh at rejuvenated face. Ingredients; Green Tea-1bag Cotton ball Water-To prepare Preparation Time; 5 minutes. Paano ito gagamitin; 

*Mag prepare ng green tea with a bag

*Ibabad ang cotton ball sa solution na ito

*Iapply sa buong mukha

*Hayaan ito magdamag

*Hugasan ang mukha pagka gising mo

Kailan ito gagawin; Night Time bago matulog Ito ang pinaka simpleng face mask sa lahat ng face mask na susubukan natin, subalit epektibo ito ito kaya ano pa ang hinihintay natin subukan na ang face mask na ito. Ang pagpapaganda ng ating kutis ay masyadong importante para sa ating mga babae dahil nakakainggit din iyong ibang gumaganda ang kutis. May mga babae ngang gumaganda ang kutis dahil sa paggamit ng cream ngayon. Subukan natin ang Face Mask na ito dahil mura na wala pang side effects Kahit kailan mo ito gagawin para sa iyong sarili ay walang mawawala at masisira sa kutis natin dahil natural ang ingredients ang gagamitin para sa face mask na ito. Huwag ng gagastos pa upang bumili ng pampaganda, dahil ang mga produktong binibili natin ay may halong chemicals at dapat I maintain natin kung ano ang inaapply natin sa ating mukha. Dapat may nakahanda ka ring budget para sa maintenance ng pagpapaganda mo, pero paano na kung wala ng budget? Masisira lang ang ating iniingatang mukha. Kaya saan kayo sa natural na pamamaraan o sa gagastos pa kayo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here