Chinese Horoscope; Marso 1

DAGA (RAT)

May darating ngayon sa buhay mo para pasayahin ka kahit may nagpapasaya na sa’yong iba. Dahil sa kanya ay magkakaroon ka ng pagkalito sa isip at sa puso. Pag-isipang mabuti ang mga gagawin at sasabihin.

Masuwerteng numero; 14,25,27,28

BAKA (OX)

Hindi ka magiging okay hangga’t hindi mo pinapakawalan ang hinanakit sa iyong dibdib. May gumugulo sa iyong isip na hindi nagbibigay sa’yo ng kapanatagan kaya mananatili kang puno ng stress sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 18,20,22,24

TIGRE (TIGER)

Masasakripisyo mo ang isang sahod para sa biglaang gastos na mahalaga sa iyong pamilya. Wala kang dapat panghinayangan dahil ito naman ay mapapakinabangan ng iyong mga mahal sa buhay. Wala ring dapat ipag-alala.

Masuwerteng numero; 10,13,14,16

KUNEHO (RABBIT)

Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari na iyong pinagdaanan ay mananatili pa rin ang respeto sa’yo ng mga tao na nasa ilalim ng iyong pamamahala. Mas kilala ka nila kaysa sa mga taong nanghuhusga sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,45,56,58

DRAGON (DRAGON)

Hindi naman sa pagdadamot pero hindi mo maibibigay ang hinihiling ng isang kaibigan kahit pa meron ka nito. Ayaw mo kasi siyang kunsintihin sa hindi maganda niyang istilo sa paghawak ng pera kaya naman susubukan mo siyang tikisin.

Masuwerteng numero; 6,7,9,11

AHAS (SNAKE)

Mapapasubo ka sa isang imbitasyon.Kahit hindi mo gusto na pumunta ay kakailanganin mong panindigan ang pagsagot mo ng oo sa nag-imbita sa’yo. Hindi mo rin naman gugustuhin na biguin siya at magdamdam sa’yo.

Masuwerteng numero; 67,69,71,73

KABAYO (HORSE)

Isang aral ang mapupulot mo sa araw na ito mula sa isang paslit. Hindi mo ito inaasahan dahil sanay ka na puro kakulitan lang at kalikutan ang nakikita mo sa isang bata. Kaya naman buong puso mong yayakapin ang aral na mapupulot mo mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 19,23,34,35

TUPA (SHEEP)

Magkakamali ka ng gagawin mong pagdedesisyon sa araw na ito. Masyadong malilito ang iyong isip sa dami ng gustong magpasya para sa’yo. Hindi mo alam kung sino sa kanila ang iyong susundin at magkakamali ka ng pipiliin.

Masuwerteng numero; 51,52,60,61

UNGGOY (MONKEY)

Mag-ingat sa mga taong mapagbalatkayo. Lapitin ka ngayon ng mga manloloko kaya kakailanganin mong talasan ang iyong pakiramdam. Bantayan mo ang mga tao na nakapaligid sa’yo maging sa buhay mo kaugnay ng social media.

Masuwerteng numero; 15,16,33,37

TANDANG (ROOSTER)

Mag-aalangan kang lapitan ang isang tao kahit pa alam mo na siya lang ang makakatulong sa’yo. Matagal na kayong walang komunikasyon kaya naman mahihiya kang lumapit sa kanya, ngayon na kailangang kailangan mo ng kanyang tulong.

Masuwerteng numero; 8,9,10,12

ASO (DOG)

Mabuti na lang at mabilis kang mag-isip ng solusyon. Dahil sa likas mong talino sa pagresolba ng mga problema ay maisasalba mo ang inyong pagsasama. Kahit pa mahirapan ka ay ilalaban mo pa rin ang pagmamahalan nyong dalawa.

Masuwerteng numero; 36,37,40,42

BABOY (PIG)

Maghinay hinay ka sa pagsama-sama sa taong hindi mo pa lubos na kilala. Kailangan mo munang alamin ang kanyang background at tunay na pagkatao bago pa mahulog ang loob mo, dahil baka sa huli ikaw ay magsisi.

Masuwerteng numero; 7,9,16,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here