Oras na Ba Para Mahalin Ulit Siya?: Read These 5 Signs

Minsan makikita mo na lang ang sarili mo na nagpapaalam sa mga tao na hindi mo na kayang pakisamahan pa, mapa-boyfriend man ito o kaibigan. Minsan, kamag-anak pa. Read on.

May mga toxic na tao sa buhay natin na kailangan na talaga nating iwan dahil hindi na sila healthy sa buhay natin. Masakit, oo, pero ito lamang ang paraan para matuto sila, magbago at bigyan ka ng halaga. Dumarating din sa punto na tingin natin ay nagbago na sila pero hindi pa natin alam kung dapat na ba silang bumalik ulit sa buhay natin. Basahin ang article na ito para mas maliwanagan ka kung dapat na bang ibalik ang tiwala sa isang taong inalis mo na noon sa buhay mo. Read these signs and find out how you could help yourself in letting someone go back to your life.

  1. Kaya na niyang aminin ang kanyang pagkakamali

Hindi na siya nabubuhay na puro excuses lang at paninisi ng ibang tao. Kaya na niyang sabihin at aminin na nagkakamali din siya at may weaknesses siya na hindi niya nako-control. Sa mga pagkakamali niya, willing din siyang baguhin ang mga ito at hindi lang niya basta inaamin na nagkakamali siya. Constant ang pagtulong niya sa sarili niya at alam niya na work in progress siya.

  1. Nakipag-ayos na sila sa mga taong naka-away niya noon

Hindi na niya kaya na may kaaway kaya lahat ng naka-iringan niya noon ay nakipag-ayos na siya at sinigurado niya na mababalik ang dati nilang pagsasama. Magandang sign ito dahil hindi lahat ng tao ay kayang magpakumbaba sa kanilang mga pagkakamali. May mga tao rin na matigas ang puso at hindi na handang magpatawad ng ibang tao.

  1. Naka-move on ka na sa trauma na binigay niya sayo

Hindi mo na naiisip ang mga nagawa niya sayo noon. Kinalimutan mo na ito at napatawad mo na rin siya. Kahit sobrang sakit, alam mong handa mo na ulit siyang papasukin sa buhay mo.

  1. Kaya mo na ulit siya pagkatiwalaan

May tiwala ka sa kanya at may tiwala ka rin sa sarili mo na kaya mong bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan ninyo.

  1. Kung nakikita mong naggrow na siya sa ibang aspeto sa buhay

Minsan ang isang toxic na tao ay hindi productive sa buhay dahil wala silang direksyon. Nauuna kasi ang emosyon nila at hindi na nila kayang mag-handle pa ng ibang pressure sa buhay. Kung nakikita mong umaalis na siya sa comfort zone niya, ibig sabihin ay willing na rin siya mag-take ng risks para sa ibang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here