Kelan ang Perfect Time Mang-Iwan?

Marami ang tao na talagang kayang mag-stay sa isang tao kahit gaano pa ka-toxic ang sitwasyon. Mayroon silang mahabang pasensya na talagang kabilib bilib. Read on.

Sa buhay natin, marami ang opportunities at marami rin ang chances. Minsan naiisip natin na para tumagal ang isang relasyon kung saan nag-invest na tayo at nagbigay ng buo, hindi natin palalampasin ang opportunity na patagalin pa lalo ito. Pero kung hindi na talaga natin kaya ang mga sitwasyon at factors na pumapalibot sa buhay natin, kelan natin masasabi na perfect time na talaga na iwan ang taong mahal natin? Basahin ito at tingnan mabuti kung kelan ang perfect timing mang-iwan ng isang tao.

1. Kapag hindi na siya nakakabuti sa buhay mo

Nagiging abusado na siya at hindi na niya iniisip ang growth ng relationship ninyo. Mas inuunan niya ang ibang bagay na tingin niya ay mas importante.

2. Kapag nadadamay na pati ang health mo

Maaaring may mental at physical abuse na na namamagitan sa inyong dalawa. Kung alam mong hindi na maganda ang epekto niya sayo, hindi ka na dapat magdalawang isip na iwan siya.

3. Kapag siya na lang lagi ang nauuna kaysa sa kalagayan mo

Selfish na siya at hindi na relasyon ang meron kayo kung hindi casual na lamang na pag-sasama. Hindi na kayo nag-uusap dahil mas inuuna ninyo pang magsigawan at magsakitan.

4. Wala na rin siyang pakielam sayo

Makikita mo ito sa kanyang mga mata. Hindi na katulad dati at hindi na ikaw ang isa sa maganda sa kanyang paningin. Hindi ka na rin niya inaalagaan katulad noon.

5. Hindi ka na masaya

Hindi mo na rin alam bakit ka nagsstay pero alam mo lang na hindi ka na masaya. Parang pinipilit mo na lang lahat at matabang na ang lahat para sayo. Humahanap ka ng rason para tumagal pa kayo pero hindi ka makahanap ni-isa.

6. Alam mong right timing na para matauhan na rin siya

Gusto mo rin na ma-realize niya na hindi na nagwo-workout ang relasyon ninyo. Gusto mong lumayo sa kanya para mas makita niya kung ano ang mangyayari sa inyo kapag magkahiwalay kayo.

Kahit ano man ang mangyari sa inyo ay maaari ninyo pa rin pag-usapan lahat. Wala namang problemang hindi kayang pag-usapan. Ang communication pa rin ang perfect solution para mas makita ninyo how things never worked out between the two of you. Huwag ninyo sukuan agad. Baka maayos ninyo pa kaya keep the faith and trust God in everything. Siya ang makakatulong sa inyo. Tiwala lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here