Chinese Horoscope; Pebrero 29

DAGA (RAT)

Makikita mo ngayon ang mga palatandaan na hindi mo dapat balewalain kaugnay sa iyong personal na relasyon. Ito na ang mga senyales na hinihintay mo. Dito nakasalalay ang gagawin mong mahalagang pagpapasya.

Masuwerteng numero; 4,8,12,15

BAKA (OX)

Magiging matibay ang ebidensyang hawak mo kung patutunayan mismo ito ng iyong testigo. Subalit kung hindi mo siya mapagsasalita tungkol dito ay nag-aaksaya ka lang ng panahon. Hindi maganda ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 17,20,22,24

TIGRE (TIGER)

Ang matagal mo ng plano ay hindi mo pa rin maisasagawa sa ngayon. Marami pang balakid.Lalo na at hindi mo binibigyan ng halaga ang mga tao na nasa iyong pamamahala. Hindi sila magiging sunud sunuran sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,14,28,33

KUNEHO (RABBIT)

Maganda ang ibubunga ng mga kabutihang itinanim mo nitong mga nakaraang araw. Ang iba sa mga ito ay aanihin mo ngayon habang ang iba naman ay aanihin mo sa mga darating na araw. Ipagpatuloy lang ang pagkakawanggawa.

Masuwerteng numero; 6,16,20,40

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mahihirapan na kumbinsihin ang iyong pamilya na makiayon sa iyong mga plano. Malaki ang tiwala nila sa’yo. Kaya anuman ang sabihin mo ay maluwag sa loob nilang susundin. Lalo na at para sa kanilang ikabubuti.

Masuwerteng numero; 51,53,66,69

AHAS (SNAKE)

Magiging mabigat sa loob mo ang gagawing pagpapasya para sa isang mahal sa buhay. Pero wala kang ibang mapagpipilian kaya pikit mata mong gagawin kung ano ang sa tingin mo ay nararapat para na rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,13,16,26

KABAYO (HORSE)

Hindi lahat ng kagustuhan mo ay masusunod. Sa araw na ito ay mabibigo kang makuha ang inaasam mo. Dahil dito ay mawawala ka sa mood at mas pipiliin mo na lang na manatili sa loob ng iyong kuwarto sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 53,54,65,70

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya ang buong maghapon sa piling ng mga mahal sa buhay. Smooth sailing ang itatakbo ng bawat oras. May mga bagong ideya rin na maioopen sa isa’t-isa at makakatulong ito sa kabuhayan ng buong pamilya.

Masuwerteng numero; 7,9,11,12

UNGGOY (MONKEY)

Magiging abala ka sa araw na ito. Hangga’t maaari ay hindi mo gusto na magpaistorbo kahit na kanino. Mas gusto mo na maging concentrated ka ngayon sa trabaho kaysa nitong mga nakaraang araw na naging maluwag ka sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 10,18,30,34

TANDANG (ROOSTER)

Mapapansin mo ang malaking pagbabago sa kilos ng iyong mahal. May mga gawi siya ngayon na hindi niya dating ginagawa. Kaya naman hindi ka mapapalagay at babantayan mo ang bawat kilos niya ngayon.

Masuwerteng numero; 78,79,80,82

ASO (DOG)

Dahil sa magandang bagay na magagawa mo ngayon ay maipagmamalaki ka ng iyong mga kaanak at kapamilya. Ituturing ka nilang huwaran. Isang salu-salo rin ang matatanggap mula sa pamilya at mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 14,17,27,28

BABOY (PIG)

Wala kang dapat ipag-alala sa iyong kapareha na pansamantalang lalayo. Para sa ikabubuti rin ng inyong pagsasama ang nasa isip niya. Wala siyang ibang kailangan sa’yo ngayon kundi ang pagmamahal mo at malawak mong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 50,51,62,63

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here